Nang tuluyang makaalis si Yudz at naiwan kami ni Dok Ace ay humupa na ang galit ko at ngayon ay gusto na lang matawa dahil sa mga nangyayari sa'kin simula noong dumating ako rito sa isla. "Mabuti Dok at dumating ka dahil kung hindi ay tiyak inilibing ko na sa buhanginan iyong Yudz na iyon o di kaya ay pinaanod ko na iyon sa dagat. Ay hindi pala pwede sa dagat dahil may lahing shokoy ang isang iyon!" mahaba kong litaniya. "Hindi ka pa rin nasasanay. Huwag kang mag-alala dahil kapag may bagong mukha na namang darating ay tiyak mababaling na naman doon ang atensiyon ni Yudz," nakangiti niyang sagot. Wala sa sariling napatingin ako sa maaliwalas niyang mukha. Sa ilang buwan naming pagkakakilala ay napag-alaman kong galing siya sa mayamang pamilya from Iligan City pero mas pinili niyang dito

