"Ikaw, ano ang kwento mo?" Bigla akong nagulantang sa tinanong ni Dok Ace. Wala naman siyang sinabing open forum 'to! "Akala ko ba ay maghihintay ka kung kailan ako handa?" nanunumabat kong balik-tanong. Tumawa lang siya bago ginulo ang buhok ko. Nakasimangot ko namang inayos agad ang ginulo niya. Di bale nang walang jowa basta pang-commercial ng shampoo iyong buhok. "Halika na , balik tayo kina Kap... di pa tayo nakakain," aya niya matapos tumayo mula sa kinauupuan. Napansin kong inaabangan niya nag magiging reaksiyon ko sa paanyaya niya. Iniisip niya sigurong tatanggi akong bumalik doon dahil sa parang pagpa-panic ko kaninang makaalis doon. Pinakiramdamn ko ang sarili ko at bahagya akong nakahinga nang maluwang nang mapagtantong di na bumalik iyong kaba at takot na lumukob kanina

