Napamaang ako sa pinagsasabi ni Maggie. Sadya bang ganito silang mag-pinsan ni Yudz? Nakakamangha ang tiwala nila sa sarili, di bagay sa masama nilang pag-uugali at di kagandahang lahi. Nagkakasala ako sa dalawang ito eh! Lumalabas talaga ang pagiging mapanlait ko dahil sa dalawang ito, talent siguro nila ito... ang mailabas ang inner demon ng kahit na sino. Hindi ko masasabi kung kaya lang ba siya botong-boto sa'kin para sa pinsan niya ay para mailayo ako kay Zandro o sadyang atat lang siyang gawing miserable ang buhay ko gamit ang kanyang pinsan. Alin man sa dalawa ay parehong kapahamakan ko ang hangarin ng babaeng ito. Mabuti na lang at di sila nag-join forces no'ng baliw na si Rhea dahil kung nagkataon ay dalawa silang maging ka-lookalike ko. Nakakatakot na manirahan sa mundo ku

