Unang nakahuma sa pagkagulat ay si Mr. Sizon. Mabilis itong lumapit at binulongan ang hestirikal na asawa. Agad umugong ang usap-usapan sa paligid. Naging sentro ng atensiyon ang mag-asawang Carson at ang impostor na Shie. Ayon sa kwento ni Alex sa'kin ay kilala ng halos lahat ng mga bisita ngayong gabi kung sino ang nag-iisang anak ng mga Sizon at ano ang hitsura nito kaya kitang-kita ko kung papaano napanghusgang tumuon ang atensiyon ng lahat sa tatlo. Parang noon lang yata tuluyang na-realize ni Mrs. Sizon kung ano ang lumabas sa sariling bibig. Sa sobrang galit at pag-alala ay sa mismong bibig nito nanggaling ang isang katotohanan. Katotohanang mukhang matagal nang alam ni Zandro Carson dahil wala akong nakikitang pagbabago sa reaksiyon nito habang pinanood ang mga n

