MAE'S POV The whole place is fantastic! Para akong nasa isang palasyo habang nanatili ako sa bahay ng mga Carson dito sa Austramica. Feeling royalty nga ako eh na kahit sa simpleng pagtitimpla ng kape at paghahanda ng pampaligo ay may gumagawa na niyon para sa'kin. Kahapon ako dumating dito kasama si Alex at mula pa kahapon ako humihinga ng hanging pammayaman. Alam kong mayaman na ang pamilya Carson kahit noong nasa Pilipinas pa lang ako pero hindi ko lubos akalaing ganito sila kayaman sa mismong bansang pinagmulan nila. Tuwing kakain ay kailangan talaga nakaayos ako kasi bakakahiya naman sa posturang-posturang ayos ng mga Carson at ang dining area nila na kumikislap yata lahat ng bagay mula sa ginto nilang kutsara't tinidor hanggang sa pang-fine dining na serbisyo ng mga katulong. Li

