( Prince ) "Magaling ang loko loko." nakapameywang na usal ni Niko habang nakatutok sa monitor. Naririto kami sa security office at sinisilip ang mga kuha ng CCTV noong mga oras na may tumangay kay Patty na hindi kilalang lalake. Dalawa lang kami ni Niko dahil may iba namang iniimbistigahan sila Vince at Renz. "Ano nga kaya ang pakay niya kay Patty?" Wala kasi akong maisip na dahilan para gawin niya iyon sa dalaga. "Pinagplanuhan niya, dahil maging ang mga CCTV patay ng mga oras na 'yon." sambit ni Niko saka tumayo at lumapit sa isa sa mga table do'n at doon umupo. "Paano natin malalaman kung sino ang gagong 'yun? Wala tayong makikitang ibidensiya." "Isa lang ang makakagawa n'yan dito pero ayokong manghusga. I still need some proof." turan ko at saka lumapit muli sa monitor at may iba

