( Renz ) Sobrang lungkot, iyon ang nararamdaman ko. Nang malaman kong lilipat na raw si Patty sa ibang school. Suddenly nanikip ang dibdib ko. Parang sa pangalawang pagkakataon mawawalan na naman ako ng kapatid. Itinuring ko ng kapatid si Patty, marami kaming pagkakapareho sa halos lahat ng bagay. Para bang nakikita ko sa kanya si Monique, ang kakambal ko. ( Renz Santiago! ) Nailayo ko sa tainga ang cellphone dahil sa pagsigaw ni mommy Kelly. ( Kapag hindi mo nadala si Patty dito, huwag ka ng umuwi. ) "What?! Mom, that's not pair. Hindi ko naman hawak ang oras at desisyon ni Patty." ( Pero--- ) "Mom please, hintayin na lang natin ang desisyon ni Patty. Sinabi naman niya na susubukan pa rin niyang magpaalam sa parents niya. Sasabihan na lang kita." ( Okay, pero sana makapunta siya.

