bc

Stuck With The CEO

book_age16+
27
FOLLOW
1K
READ
pregnant
confident
bxg
humorous
like
intro-logo
Blurb

Mainitin ang ulo at palaging masungit si Nathan. Chill at masiyahing sekretarya naman si Jillian. Anong mangyayari sa kanilang dalawa kung sakaling mapadpad sila sa isang akala nilang uninhabited island nang sila lang dalawa?

chap-preview
Free preview
01
“Nasaan tayo? Where the hell is this place?” Nagising si Jillian nang marinig ang boses ng taong nasa tabi niya. Ilang sandali lang ay maramdaman niya ang malakas at paulit-ulit na tapik sa kaniyang balikat. Nakapikit pa rin siya ngunit dama na niya ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Nang lumunok siya ay nalasahan niya ang maalat na tubig ng dagat sa kaniyang lalamunan. Ilang segundo pa niyang pinakiramdaman ang kaniyang paligid. “Jillian, hey! Buhay ka pa ba?” Kilala niya kung kaninong boses iyon. Walang ibang nagma-may-ari ng baritonong boses na iyon kundi ang boss niyang si Nathan Castillo. Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang titig na titig sa kaniya ang masungit niyang boss. “I thought you’re dead.” Tila ba nakahinga nang maluwag ang kaniyang boss nang malaman nitong buhay siya. Pero nanatili pa rin ang magkasalubong nitong kilay habang nakatingin sa kaniya. “Oh, Sir. Bakit parang hindi naman kayo masaya na buhay ako? Ayaw niyo bang makasama ako?” Inilibot ni Jillian ang kaniyang paningin sa paligid. Bukod sa malawak na buhanginan at karagatan, ang tanging makikita sa kanilang likuran ay iba’t-ibang uri ng puno. Karamihan ay mga puno ng niyon na may iba-ibang variety. Mayroon ding punong namumunga at mayroong hindi. Tumango-tango si Jillian. “Ah, alam ko na ito, Sir. Napanuod ko na ang ganitong plot ng story sa TV nung bata ako. Mapupunta ang dalawang tao sa isang deserted island, pagkatapos ay magkaka-inlaban. Alam ko na ito, Sir. Kapag tumagal tayo rito, for sure, mai-inlove ka sa’kin,” pang-aasar ni Jillian sa boss niya. Ito lang naman ang alam niyang gawin kay Nathan. Ang asarin ito hanggang maubos ang pasensiya nito sa kaniya. Tuwang-tuwa siya kapag naiinis sa kaniya ang binata. Sa dami nitong sinisanteng tauhan sa kumpanya nito, sigurado siyang doon din siya papunta. Mag-aanim na buwan na siya nitong sekretarya. Masuwerte na siya dahil umabot siya ng ganoon katagal. Yung iba, araw lang or worse, oras lang ang tinatagal kay Nathan dahil sa sobrang sama ng ugali nito. “Ako? Ma-iinlove sa’yo? Come on, Jillian, kabahan ka naman sa sinasabi mo. What makes you think na magugustuhan kita? Hindi ka nga pasado sa taste ko.” Tinawanan lang ni Jillian ang sinabi ng kaniyang boss. Tumayo siya nang tuwid at inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa beywang. “Aba, Sir, huwag kang ganiyan. Baka kainin mo rin ang mga sinabi mo sa bandang huli.” “Ang dami mong sinasabi. Kung ako sa’yo, humanap ka nalang ng paraan para makaalis tayo rito.” Kumunot ang noo ni Jillian. “Sir, nasa deserted island tayo, baka nakakalimutan mo na wala tayong cellphone, wala tayong paraan para ma-contact ang kahit sino. Kaya paano tayo aalis dito?” Tumayo na rin si Nathan. “So, ang ibig mong sabihin, wala tayong choice kundi manatili rito?” “Exactly, Sir. Wala tayong choice kundi maghintay ng susundo sa atin, yun ay kung maiisip nila tayong sunduin at hanapin.” “So, you’re saying na tatagal tayo rito?” “Absolutely, Sir. Kasalanan niyo rin naman kasi Sir eh, kung hindi niyo ginalit yung kliyente, edi sana hindi nila tayo tinapon sa dagat. Kung bakit ba naman kasi napaka-init lagi ng ulo niyo.” “Sinisisi mo ba ako?” tanong nito habang masama ang tingin sa kaniya. “Obvious ba, Sir?” “Wow, how can you say that to me, Jillian? Boss mo ako!” “Eh, Sir. Wala naman sa job description ko ang magsinungaling sa inyo. Hindi ba nga, ang sabi niyo sa akin noon, maging honest ako sa kahit anong sitwasyon, kaya nga honest ako ngayon sa inyo.” Nang makita ni Jillian na kumuyom ang dalawang kamao ni Nathan ay mabilis siyang tumakbo palayo rito. “Oh, Sir. Kalma lang. Baka nakakalimutan niyo, ako ang sumagip sa inyo. Kapag ako pinatay mo, sinasabi ko sa’yo, mumultuhin kita habang buhay.” Gigil na gigil sa kaniya si Nathan pero hindi rin nito magawang saktan siya. Hindi naman mapigilang mapangisi ni Jillian habang pinagmamasdan ang kaniyang boss. Ang cute talaga nitong mainis. “Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend Sir eh, ang sungit-sungit mo. Ang sama pa ng ugali mo. Kulang nalang tubuan ka ng sungay.” Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakapagtimpi si Nathan. Mabilis siyang tumakbo palapit sa kaniyang sekretarya. Pero mabilis ang reflexes nito at mabilis din itong tumakbo palayo sa kaniya. Jillian is the only person that could irritate him that much. Magmula nang pumasok ito bilang sekretarya niya, wala itong ginawa kundi sirain ang araw niya. Pasalamat nalang ito dahil masipag ito at magaling sa trabahong pinapagawa sa kaniya. Parang aso’t pusa ang turingan nilang dalawa. Kahit sa harap ng ibang tao ay nagkakasagutan sila. Minsan ay napagkakamalan silang magkasintahan na palaging hindi magkasundo. Kapag naririnig ni Nathan ang mga ganoong salita galing sa ibang tao, hindi niya mapigilang mairita. Kasintahan? As if namang magugustuhan niya si Jillian! “Kapag nahuli kita, sasakalin kita.” “Bakit mo ako kailangang sakalin, Sir? Kung puwede mo naman akong mahalin?” Ito ang isa sa mga ayaw niya kay Jillian. Ang pagiging palabiro nito. Madalas ay naiinis siya. Pero minsan ay nahuhuli niya nalang ang sarili na nakangiti. Huminto si Nathan sa pagtakbo nang makaramdam siya ng pagod. “Ano, Sir? Pagod ka na ‘no? Sabi mo sir hindi ka mai-inlove sa akin? Eh bakit moa ko hinahabol-habol ngayon?” nakangisi nitong tanong sa kaniya. Alam ni Nathan na walang patutunguhan ang pakikipagtalo niya sa dalaga. Pagod siyang umupo sa buhanginan at tinanaw ang karagatan. Hapon na pero mainit pa rin ang sikat ng araw. “Pagod ka na talaga, Sir?” tanong ni Jillian habang naglalakad palapit sa kaniya. “Ano nang gagawin natin ngayon?” Seryosong nilingon ni Jillian ang kaniyang boss. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. Minsan niya lang na makita na ganoon ang hitsura ni Nathan. Siguro kung nasa kaniya pa ang phone niya ay pinic-turan niya na ito. Kahit naman kasi masungit ang boss niya ay guwapo pa rin ito. Mukha itong koreano dahil sa mga singkit nitong mata. Maganda rin ang kutis nito. Maputi at makinis. Siya naman ay morena. Laking probinsiya kasi siya. Palagi siyang bilad sa araw dahil tumutulong siya sa mga gawain ng kanilang pamilya sa bukid. “Ang pinakamagandang gawin natin ngayon Sir ay walang iba kundi maghanap ng matutuluyan kasi hapon na.” Tumaas ang kilay ng boss niya. “Matutuluyan? Sa lugar na ganito? Mamamatay nalang tayo rito, Jillian. We can’t survive in this place.” Tinawanan ni Jillian ang kaniyang boss. “Hindi tayo mamamatay rito. Never ka bang sumali sa boyscout? Hindi ka ba nakaranas na mag-camping?” “What? No!” masungit nitong asik sa kaniya. Inikot ni Jillian ang kaniyang mga mata. “Kung ganoon, sayang naman ang tuition na binayad mo sa school niyo.” Tumalikod siya palayo sa binata at naglakad patungo sa gubat. Narinig niyang tinawag siya nito pero hindi niya ito nilingon. “Aba, talagang iiwan mo ako?” “Kung puro ka reklamo, talagang iiwan kita. Bahala ka riyan kung gusto mong magmukhang isdang binilad sa araw.” Narinig ni Jillian ang mahihinang reklamo ni Nathan. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Kung alam niya lang na sa ganitong paraan niya makikitang problemado ang binata, edi sana noon pa niya tinapon ito sa isla. “Paano naman tayo makakahanap ng tirahan dito, kita mo naman puro puno ang nakapalibot dito? Baka mamaya may mga ahas pa rito.” Nilingon ni Jillian ang kaniyang boss at sinamaan ito nang tingin. Sa ilang minuto nilang pananatili sa loob ng kagubatan, walang siyang ibang narinig kundi ang mga reklamo ng binata. “Isang reklamo pa, ipatutuklaw talaga kita sa ahas.” Mabilis na lumapit sa kaniya si Nathan at humawak sa kaniyang braso. Bakas sa mga mata nito ang takot. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa paanan ng bundok. Marami silang nadaanang mga puno na may bunga kaya naman hindi na nag-aksaya ng pagkakataon si Jillian. Kinuha niya ang mga pagkaing kaniyang nakikita at ipinadala iyon sa kaniyang boss. “Ikaw ang sekretarya ko, dapat ikaw ang nagdadala nito.” “Anong sekretarya? Walang ganoon. Pantay lang ang level ng social status natin dito. Ikaw si Nathan Castillo at ako si Jillian Ledesma. Walang mayaman, walang mahirap. Kaya wala kang choice kundi tulungan ako. Kung ayaw mo naman, iiwan mo riyan ang mga pinanguha nating pagkain. Yun ay kung gusto mong magutom mamaya.” Sa sobrang inis ni Nathan sa kaniya ay halos mamula ang mukha nito. “Kapag mayroong sumundo sa akin dito pabalik ng mainland, sinasabi ko sa’yo, hindi kita isasama. Iiwan kita rito.” Ngumiti si Jillian sa binata at nagkibit-balikat. “Ikaw bahala. Kung kaya ng konsensiya mo na iiwan ako rito, okay lang naman. Pero gaya nga nang sinabi ko, kapag namatay ako, mumultuhin kita. Hindi kita patatahimikin.” Nathan gave her a death glare. Ipinagpatuloy lang nila ang kanilang paglalakad hanggang sa mayroon silang makitang maliit na kubo. Ang bubong nito ay yari sa cogon habang ang dingding ay gawa sa kawayan. “Masuwerte pa rin tayo at mayroong ganito rito. Sigurado akong mayroong mga nakatira sa lugar na ito. Bukas susubukan nating maghanap ng mga kabahayan.” Itinuro ni Jillian ang maliit na daan kay Nathan. Hindi sumagot ang lalaki. Nang lingunin niya ito ay nakitang nanginginig na ang binata sa lamig. Kanina pa rin siya giniginaw, pinipigilan niya lang ang sarili niyang maramdaman iyon. Inutusan niyang ilapag ang mga prutas sa lamesa at pinaupo niya si Nathan sa upuan na gawa sa kawayan. Mayroon siyang mga napulot na kahoy habang naglalakad sila at iyon ang ginamit niya para gumawa ng apoy gamit ang pinagkiskis na bato. Inabutan na nga sila ng dilim bago siya makagawa niyon. Ilang beses ding nagasgas ang kaniyang palad. Nang magkaroon na sila ng apoy ay saka siya umupo sa tabi ni Nathan. “Nilalamig ka pa rin?” Tumango ang binata saka niyakap nito ang kaniyang sarili. Umusod si Jillian palapit dito at marahang tinapik niya ang kaniyang balikat. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. “What?” masungit na tanong ito. “Higa ka sa balikat ko. Yayakapin kita.” “Bakit ko naman gagawin iyon? Bakit ako papayag na yakapin mo?” “Body heat ang mabisang paraan para matanggal ang ginaw sa katawan. Pero okay lang naman kung ayaw mo. Pero walang sisihan kapag nagkasakit ka.” Napaisip ito sandali bago seryosong tumingin sa kaniya. Sinalubong niya naman ang tingin ng binata. “Ano? Naisip mong wala kang choice ‘no? Arte mo kasi eh. Akala mo naman pagsasamantalahan kita. Excuse me lang ‘no. Hindi ko rin gusto ang tipo mo. Ayoko ng masungit ng lalaki.” “Kung ganon, bakit mo ako gustong yakapin?” “Ika-klaro ko lang, hindi kita gustong yakapin dahil gusto ko lang. Ayoko lang na magkasakit ka dahil ako rin ang mahihirapan kapag nangyari iyon. Walang gamot sa lugar na ito. Walang kuryente. Ito na nga lang ang mayroon tayo, tapos magkakasakit ka pa.” “Sigurado kang iyon lang ang dahilan?” Tumawa si Jillian sa sinabi ng binata. “Para namang ikaw pa ang lugi ha? Ikaw na nga ang tinutulungan.” Mabilis siyang natigilan nang biglang lumapit sa kaniya ang binata at humilig ito sa kaniyang balikat. Ang isang kamay nito ay yumakap sa kaniyang likuran. Napakurap nang ilang beses si Jillian. Amoy na amoy na rin ang pabango nito. Hindi maipaliwanag ni Jillian ang dahilan kung bakit nalublob na sila sa dagat pero ang bango pa rin ng boss niya. “Inaamoy mo ba ako?” “Ha? Hindi ah.” “May gusto ka yata sa akin, eh.” “Ang yabang mo naman. Hindi nga sabi ako nagkakagusto sa mga taong masama ang ugali.” “Pero guwapo naman ako.” “As if naman nakakain ang kaguwapuhan mo.” Ngumisi si Nathan. “Baka ikaw ang mahulog sa akin niyan, Jillian.” “Hindi mangyayari iyon. Hindi ako tinatablan ng charisma mo.” “Talaga?” tanong nito sa kaniya kasabay ng paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Sa sobrang lakas ng t***k ng kaniyang puso ay tila nais itong kumawala sa ribcage niya. Nagkatitigan silang dalawa nang matagal. Tila bumagal ang galaw ng lahat ng bagay. Kitang-kita niya ang paglulumikot ng mga mata nito habang nakatingin sa kaniyang mukha. Sa labis na pagkainis ni Jillian ay mabilis niyang itinulak ang mukha nito palayo sa kaniya gamit ang palad niya. Tumumba naman si Nathan sa upuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook