CHARMAINE Nang makapwesto na ako sa likuran ng aming silid sa tabi ng back door ay binilang ko na rin kung ilan ba kaming mga leaders at napagtanto kong eleven kami in total. Wala pala um-absent ngayong araw na ‘to, kumpleto kaming 53 sa klase. Sampu ang mga leaders maliban sa akin at mayroon silang apat na miyembro bawat grupo, habang ako naman ay dalawa lang ang kasama ko. “Charmaine’s members, punta na kayo sa harapan. Ikaw rin, Charmaine.” Utos sa amin ni Ma’am Amelia at nauna na nga sina Jayden at Caleb sa harapan kaya sumunod na rin ako para hindi masayang ang oras. Inabot ko na ang papel na nabunot ko kanina at inilagay naman iyon ng aming guro sa glass container niya sa lamesa. “Bawi yata ‘to sa pagiging late niyo sa klase ko ah?” pagbibiro niya sa amin at napangiti na lang ako. W

