CHARMAINE Natapos na ang lahat ng sampu pang grupo na siyang pare-parehas lang ng style sa pagre-report. Lahat sila ay may isinulat lang na main topics sa mga nakuha nilang cartolina sa lamesa ni Ma’am Amelia kanina. Kaya halos nauulit na lang din ang mga sinasabi nila, pero hindi naman iyon masama dahil iisa lang din naman ang mga natutunan namin kanina, hindi naman iba-ibang lecture ang itinuro sa bawat isa sa aming mga estudyante ng Class A. Inanunsyo na rin ni Ma’am Amelia ang mga score namin at dahil kami nga ang unang grupo ay inabangan ko na kaagad kung ano ang nakuha naming marka. Dali-dali naman akong natuwa nung narinig kong perfect score ang natamo naming tatlo, individual man or as a group. Mukhang naging maayos talaga ang naisipan naming plano para sa aming presentasyon kaya’

