CHARMAINE Nakalipas na ang isang buong gabi, wala na kaming ibang napag-usapan pa ni Jayden pagkatapos nung topic namin kahapon about kay Athena. Hindi na rin siya sumabay pa sa akin pauwi, hindi na niya ako hinatid pa sa aming bahay dahil kaya ko naman daw iyon mag-isa. Totoo namang kaya ko iyon gawin mag-isa, pero ‘yung thought na ihahatid niya ako at sasamahan niya ako umuwi ay mahalaga pa rin sa akin kahit na papaano… kahit pa magkaibigan lang naman kami. Pero tapos naman na rin ang araw na iyon kaya’t kalilimutan ko na lang din, ilang beses naman na rin iyon nangyari at hindi naman naging big deal sa akin, kaya’t ganoon na lang din ulit ang gagawin ko. Kung sakali mang kumilos siya mag-isa na may kinalaman kay Athena, bahala na siya dahil kaya naman din niyang magdesisyon mag-isa at

