Chapter 29.1

2939 Words

CHARMAINE Sa buong lagpas sa kalahating oras na lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi ang tumango lang nang tumango sa lahat ng kinukuwento sa akin ni Bea. Iyon na lang daw ang itawag ko sa kanya, hindi na siya pumayag pang lagyan ko iyon ng Tita bilang simbolo ng karagdagang respeto dahil siya ang nanay ng kaibigan ko. Dahil mas mapilit siya kaysa sa akin, siya rin ang nagwagi sa huli kaya’t iyon na nga ang nangyari. Maya-maya lang ay narinig ko na ang sunod-sunod na mga yapak ng paa ni Caleb na palapit sa kinaroroonan namin ng mama niya, kaya napalingon na ako sa direksyon kung saan pwedeng dumaan papasok ng kusina. “Ma, gising ka na pala,” ani Caleb tsaka niya inilapag ang sinaing sa gitna ng lamesa, nakalagay na iyon sa isang malaking lalagyan. Saglit muna siyang lumapit sa tabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD