CHARMAINE Ganoon na lang yata talaga kalakas ang epekto kay Jayden nung nangyari at ng mga nalaman niya kahapon tungkol sa pinagdaanang relasyon nila ni Athena, umabot na sa puntong pati ang kinabaliwan niyang plano ay nakalimutan na lang din niya bigla. Nung tumingin sa akin si Jayden ay agad ko naman siyang pinandilatan ng mga mata, nagtataka lang siya sa akin at sa tingin ko ay hindi naman tatalab sa kanya ang kahit na anong senyas pa ang gawin ko. Kaya, pinilit ko na lang ang sarili ko na ako na lang ang siyang gumawa ng palusot para hindi ako mabuking ni Caleb. Sa sobrang galing pa naman niya makahalata, na mukhang minana niya sa kanyang ina, ay baka malaman niya kaagad na hindi naman kami seryoso sa relasyon naming dalawa ni Jayden. “A-ah, lutang lang ‘yan si Jayden. Nakalimutan na

