Chapter 29.3

4162 Words

CHARMAINE Syempre, hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumama na lang sa kanila papunta ng canteen kasi nagugutom naman na rin talaga ako. Ang problema nga lang ay wala naman ako dala-dalang pera, at kahit pa dalhin ko ang wallet ko ay wala rin naman iyon laman. Kasalukuyan akong nakatabi kay Jayden, nasa likuran namin sina David at Cassie, habang si Caleb naman ang siyang naiwanan sa pinakalikuran namin. Nang maisip kong kasama naman namin si Caleb ay pasimple kong siniko ang katabi kong lalaki. Sinulyapan naman niya ako pero bago pa man siya makapagtanong sa akin kung bakit ko iyon ginawa ay agad ko na lang din kinuha ang kamay niya tsaka ko pinalibot ang mga daliri ko roon. Ganoon din naman ang ginawa niya sa kamay ko, pero hinila niya iyon palapit sa bulsa ng kanyang suot na hoodie. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD