CHARMAINE Makalipas ang ilang minuto ay sunod-sunod namang nakipila ang mga tiga-ibang section. Kami ang sinundan nila dahil alam nilang Year 4 - Class A ito dahil nakita naman nila ako. Pero hindi ko sila kialla lahat dahil kaunti pa lang naman ang nakakasalamuha ko, mas madalas kasi akong makisama sa mga nagiging kaklase ko lang kumpara sa mga nasa ibang section. Kapag naman naging kaklase ko na kahit isang beses lang ‘yung isang tao, kahit pa lumipat siya ng ibang school or ng ibang klase, magkakausap pa rin naman kami at hindi lalayo ang loob namin sa isa’t isa. Maya-maya lang ay lumabas na ang principal naming si Sir Alfred, ilang taon na siyang namamahala sa school namin at masasabi kong napakaganda ng pagkaka-handle niya. Isa siya sa mga tinutularan ko sa school na ‘to at dahil pre

