CHARMAINE Buong pag-aakala ko ay didiretso na ako sa bahay o 'di kaya ay papayagan ako ng nurse na mag-stay sa clinic niya, para sana makapagpahinga ako, pero hindi iyon ang nangyari. Kailangan ko pa rin daw kasing pumasok sa klase namin dahil halos dalawang oras pa naman ang natitira bago dumating ang oras ng aming uwian. May point naman siya kasi masasayang lang din ang oras ko kung magpapalipas lang ako ng oras sa clinic ng wala naman din akong pinagkakaabalahan. Tsaka isa pa, ayaw ko rin namang magpaliban sa klase ni Ma’am Amelia, baka ma-late ako sa mga activities or kung ano pa man ang idadagdag niya sa kanyang tinuro kaninang unang klase namin sa kanya. Wala naman akong ayaw na teacher, wala rin akong paborito. Pantay-pantay lang ang tingin ko sa kanilang lahat kasi pare-parehas la

