CHARMAINE Pagkaraan ng ilang sandali ay bumungad na nga mula sa pinto ang nurse na naka-schedule para sa araw na ito sa clinic. Tila ba'y hindi niya inaasahang may makikita siyang mga tao sa loob ng clinic kasi mukhang nagulat pa siya nang makita niya kaming tatlo. Kilala naman na niya kami, pero hindi namin alam ang pangalan niya dahil sinabihan kami mula pa lang noong unang beses namin makatapak sa school na 'to, na wala kaming karapatang tawagin ang nurse sa clinic sa kanyang pangalan, kahit pa mag-iba ang nurse na makita namin sa bawat araw. Pero sigurado rin naman akong kami lang ni Jayden ang kilala niya dahil bagong lipat lang naman si Caleb dito. "Good morning, Nurse," sabay-sabay naming bati sa kanya at tumango lang siya bilang pagbabalik ng pagbati sa amin. Dumiretso na siya kaa

