CHARMAINE Napapalibutan na ang karinderya ng napakaraming customer kaya maingay na rin sa loob at halos hindi na magkarinigan ang mga nag-uusap kaya ang ilan na nga sa kanila ay napapasigaw na para lang magkausap sila. Pinatong ni Yve ang kanyang kutsara sa ibabaw ng kanyang plato at iyon na ang ginawa kong signal para sagutin ang kanyang tanong sa akin. Huminga na muna ako ng malalim habang nakatapat sa dibdib ko ang isang kamay ko bago ako nagsalita. “Ano kasi… May naging girlfriend ka na ba? Or something like, ex mo na siya kasi hindi na kayo magkarelasyon ngayon,” pang-uusisa ko sa kanya. Agad ko naman nadama ang malakas na hampas sa akin ni Caleb sa aking balikat. Hindi naman literal na sobrang lakas na to the point na masasaktan ako ng sobra, sakto lang para maagaw niya ang atensyo

