CHARMAINE Naging mabilis lang ang oras, nag-abang lang kaming dalawa ni Caleb sa pagdating nung kaibigan niya at tanging ang pagkalikot lang sa cellphone ang siyang nagawa ko dahil wala rin akong maisip na sabihin kay Caleb, at mukhang ganoon din siya kasi hindi siya mapakali sa pag-iikot sa kung saan-saang sulok ng kanilang bahay. Hindi rin nagtagal ay may narinig na kaming doorbell kaya’t inaya na rin ako ni Caleb na sumama na ako sa kanya sa labas ng bahay at didiretso na kami sa pamamasyal. Sa tingin ko ay nakahanda na ang kaibigan niya at wala na itong ibang kailangang gawin pa, nakakain na rin siguro iyon kaya pinasama na niya ako sa kanya. Nakalabas na kami sa bahay at isinarado na rin ni Caleb ang pinto, habang naglalakad kami sa mabatong daan ay natanaw ko ang isang lalaking naka

