CHARMAINE Walang naganap kahapon kung saan ay mayroon dapat kaming meeting, kaming mga officers ng school na pinapasukan ko. Na-cancel kasi bigla ang meeting at nakatanggap ako ng text message mula sa principal mismo na sa susunod na lang ang meeting na iyon, kaya hindi na ako nag-abala pang pumunta sa school kahapon. Hindi na rin ako masyadong nagpabangon-bangon sa kama ko kasi gigising lang ako tuwing oras na ng aming pagkain, tapos pagkapahinga ko saglit ay babalik na rin ako kaagad sa aking pagtulog upang makapagpahinga ng mabuti. Kahit pa dumaan si Jayden sa bahay namin ay nagbilin na lang ako kina mama at papa na huwag siyang papapasukin, kahit pa si Caleb o kung sino ang bumisita para hanapin o kausapin ako. Hindi na nga rin naganap ang napag-usapan naming pamamasyal sa kung saan d

