CHARMAINE Opisyal nang nag-umpisa ang aming relay para sa araw na ito. Katulad naman ng aming napagdesisyunan ay ako na ang tumatakbo sa kasalukuyan, kasabay ang mga nasa ibang team. Kahit pa ako naman ang nasa unahan at hindi dapat ako makaramdam ng kaba, ay hindi ko naman na rin iyon napigilan pa ng dumaloy na ang matinding pangamba sa isipan ko. Sinabayan pa ng kabang iyon ang aking matinding gutom, wala pa kasi akong nakakain mula pa no’n at hindi ko alam kung matatagalan ko pa ba ang ganitong sitwasyon. Ngunit, binalewala ko na muna ang lahat ng nararamdaman ko sa ngayon at nag-focus na lang ako sa aking pagtakbo. Ibinuhos ko na ang lahat ng natitirang lakas ko sa aking mga binti at siniguro kong wala akong maaapakang madulas at baka bigla na lang akong matapilok, mas lalong babagal

