CHARMAINE Malamig na ang simoy ng hangin sa mga oras na ‘to kahit pa tirik pa naman ang araw. Kaunti pa lang naman ang mga taong nasa labas dahil ang karamihan ay nasa kani-kanilang mga eskuwelahan na o nasa trabaho. Speaking of school, baka pumasok na rin kami bukas kapag nawala na ang mga bakas ng mga sugat na natamo ko kina Yve. Medyo maayos naman na ang lagay ng katawan ko at hindi na rin ako masyadong nanghihina, nakakain naman na rin kasi ako tsaka nakapaglakad-lakad na kung saan. Nakabalik na kami ni Caleb sa bahay nila pagkatapos kong makipag-usap kay Emily. Wala naman kaming ibang napag-usapan na out of topic tungkol sa trabaho, akala ko ay tatanungin niya ako tungkol kay Athena, pero mukhang ginagawa niya nga ang lahat ng kanyang makakaya upang maging maayos ang kanyang pagtatra

