CHAPTER 11
"Tingala!" Pag-uutos ko kay Ryker.
Tiningala niya ang ulo dahilan upang deretso kaming nagkatitigan. Nakaupo na siya sa kama, na kanina niyang hinihigaan, habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya. Nagpakawala ako ng hininga bago dinikit ang Salonpas sa noo niya.
"'Yan, tapos na!" Pinagdiinan ko pa ang Salonpas sa noo niya.
"Ouch, tsk!" Tinapik niya ang kamay ko.
Napailing naman ako at napatitig sa kanya. "Sakitin ka siguro, noh?"
"No." Nagsalubong ang mga kilay niya. "I'm not sakitin."
"Weh?"
"It just happened that I'm unlucky today!"
"Tsk." Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Alam mo bang ilang oras kang tulog? Lunch time na ngayon. Sana hindi ka na lang pumasok at doon ka na lang sa bahay niyo nagpahinga."
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "School and home is just the same. I can sleep wherever I want."
"Para sa'yo 'yon. Pero ang school ay isang lugar kung saan ka DAPAT nag-aaral, hindi nagpapahinga lang." Pangaral ko pa.
Naningkit ang mga mata niya. "Why are you here anyway? Ba't 'di ka mag-aral do'n and lubayan ako?"
Nginisihan ko naman siya nang may maalala. "Paano? Eh nu'ng natutulog ka, ayaw mong pakawalan ang kamay ko. Ayan, na-missed ko ang dalawang subjects. "
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "What? No! That didn't happened!"
Lalo akong napangisi habang inaalala ang kanina. "Oo kaya. Panay ka tawag sa pangalan ko tuwing magtatangka akong umalis--"
"Shut up!" Bulalas niya, bakas ang nahihiyang itsura.
Napatawa ako nang makita ang pamumula ng magkabila niyang tainga. "Haha! 'Yon ang totoo, Ryker. Mukhang naghahanap ka ng kalinga."
Tuluyang sumama ang mukha niya at mabilis na nag-iwas ng paningin sa akin. Padabog niya pang hinatak ang kumot at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Nagtaklob siya ng kumot habang nakatagilid at nakatalikod sa akin ng higa.
Lalo akong napatawa sa posisyon niya ngayon. Kalaking tao pero parang sisiw kung pumulupot ng higa.
Natatawa kong hinampas ang pwetan niya. "Bangon na diyan, Damon Ryker!"
Napaasik siya, hindi tumugon. Inalog-alog ko naman ang katawan niya para pabangunin na. Subalit ayaw talaga niyang bumangon!
"Hoy, tampururut agad?" Natatawa akong naupo sa gilid niya. "Lunch na, baka gusto mong kumain?"
"Go and leave me alone." matabang niyang sabi.
Pilit kong hinatak ang kumot kung saan siya nagtatago. "Choo-choo, labas na. Ahehehe.."
"I said leave!" hinahatak niya pabalik ang kumot.
Hindi ko na napigilang humalakhak. "Hahahaha! Para kang bata! Labas na dyan, bumangon ka na. Wala ka pang kain!"
"Why do you care!" paasik niya pang tanong.
Pinigil ko ang tawa, sa totoo lang ay ang cute niya talag sa posisyon ngayon. Parang bata na ayaw uminom ng gamot.
"Hindi pa rin ako kumakain eh," pilit ko pa ring hinahatak ang kumot niya. "Tara na sa canteen."
Inisan niyang tinanggal ang kumot, salubong ang mga kilay na lumingon sa akin. "I don't want to have lunch with you! You're ugly. You witch!"
Imbes na madismaya ay lalong napatawa. "Bahala ka, ikaw din magugutom."
"Whatever. Not that you care!" Padabog niya muling binalot ng kumot ang sarili.
Napailing ako at nagpakawala ng hininga. Matagal pa akong napatitig sa kanya saka tumayo.
"Sige, alis na 'ko." Mahina kong paalam.
Nagsimula akong maglakad at tuluyang lumabas ng clinic. Sumeryoso ako at hinugot sa bulsa ko ang tela kung saan ko nailagay ang nakuhang mga hibla ng buhok. Dumeretso ako sa classroom at walang naabutang tao roon. Batid kong nasa canteen na sila para kumain. Pinasok ko sa bag ang tela, siniguradong malayo iyon sa puting panyo.
Pagkatapos niyon ay nagtungo na ako ng canteen para sana'y kumain. Napapatingin sa akin ang mga kapwa-estudyante, hindi dahil nagagandahan sa akin o ano pa man.
"Ack! She licked Ryker's coat yesterday, right?" Usap-usapan pa nila.
"Yes, it looked like she's hitting on him!
"Yuck, disgusting! Hindi man lang siya manalamin muna, ang landi!"
Kunwari'y walang naririnig, pumila ako sa counter para magserve ng sariling pagkain. Hindi ako gumamit ng tray. Ang ginamit ko ay styro meal box. Dalawa ang kinuha ko at pareho iyong sinandukan ng pagkain.
"Bawal 'yan." Saway sa akin ng babaeng nagbabantay. "Matakaw ka ba? Bakit dalawa ang kinukuha mo?"
Ngumiti ako ng malaki. "Babayaran ko ngayon ang isa."
Tumaas ang kilay niya. Inabot ko sa kanya ang credit card ko, mukhang nagulat pa siya na mayroon ako no'n. Pagkatapos ma-swipe ay agad niya iyong binalik sa akin.
"Nana!"
Naaplingon ako sa tumawag sa akin. Si Colby iyon, kumakaway mula sa kalapit na row ng lamesa. Ngumiti ako at kumaway pabalik. Sumenyas siya sa akin kaya agad naman akong nagtungo sa pwesto niya. Naroon din nakaupo si Aliyah.
"Hi, Colby!" Bati ko.
"Sit, join us." Malaking ngiti niyang anyaya.
Umiling naman ako at pinakita ang styro meal box na hawak ko. "Sa iba ako kakain. Hindi rito."
Napatingin siya roon at nagkata. "Why?"
"Wala lang, hindi kasi ako kumportable kumain dito ngayon. Ako ang pinag-uusapan eh." Pagsisinungaling ko.
"Paano ka hindi pag-uusapan?" Si Aliyah ang nagsalita, nabaling ang paningin ko sa kanya. "Bukod sa itsura mo ay gumawa ka pa ng eksena kahapon."
"Aliyah," saway ni Colby sa kanya. "Don't be rude."
"Eh bakit? Totoo naman kasi!"
"Kahit na." Sinamaan niya ng tingin si Aliyah.
Umawat naman agad ako sa kanila. "Ah, hayaan mo na Colby! Ayos lang, Aliyah. Sa labas na ako kakain."
"But--"
"Sa sususnod na lang." Putol ko pa kay Colby.
Hindi na siya nakatugon nang talikuran ko na sila. Sa totoo lang ay gusto ko rin sanang makausap si Colby para tanungin siya tungkol sa birthmark niya sa dibdib. Ngunit sa kabilang banda ay nangangamba ako na baka'y kasabwat o may kinalaman din siya kay Flencher Campbell. Maraming posibleng plano ang lalaking 'yon, hindi ko maiwasang mangamba sa mga maaaring galaw niya na wala rin akong ideya. Lalo pa't nagpositibo ang DNA naming dalawa ni Ryker.
Tahimik akong bumalik sa clinic, bitbit ang mga pagkain. Patago pa akong sumilip sa kama ni Ryker. Nakita ko siya roong nakaupo at nakatulala kung saan. Mukhang malalim ang iniisip! Naroon pa rin ang Salonpas sa noo niya at bahagya niya iyong hinahawakan gamit ang isa niyang daliri.
Napangiti ako at bahagya ring natawa. Tuluyan akong naglakad at huminto sa harapan niya. Unti-unti pa siyang nag-angat ng paningin sa akin. Bakas ang gulat sa mga mata niya.
"W-Why did you came back?" Utal, gulat niyang tanong sa akin.
Matamis akong ngumiti at pinakita ang pagkain sa kanya. "Sabi ko naman sa'yo, lunch na. Ayaw mong bumangon eh, kaya dinalhan na kita."
Matagal siyang natigilan. Ilang beses pa siyang napakurap at nagbaba ng tingin sa styro meal na hawak ko. Natatawa man ay maingat ko iyong inilapag sa tabi niya.
"Kain na." Ani ko.
Nalilito siyang nag-angat ng tingin sa akin. "B-But why? Why did you brought me food? I didn't ask for it!"
Nangunot ang noo ko. "Ayaw mo ba? Bawiin ko lang--"
"No!" Pigil niya sa akin nang akma ko iyong kukunin.
"Kung gano'n naman pala, kumain ka na. 'Wag nang maraming tanong."
Hindi pa rin siya makapaniwala na napatitig sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin. "Sige na, alis na ulit ako."
Maglalakad na sana ako nang huliin niya ang kamay ko. Mahigpit niya iyong hinawakan. Gulat naman akong napalingon sa kanya.
"Bakit?" Taka kong tanong.
Deretso siyang tumitig sa akin, naroon ang pagiging sinsero ng mga mata. "Where are you going?"
"Sa classroom ako kakain." Tugon ko.
"But.. Why not here?" Pahina nang pahina niyang tanong.
Tumaas naman ang isa kong kilay. "Hindi ba't ayaw mong mag lunch na kasama ako? Dahil sabi mo, ugly ako. Isa akong witch!"
Natigilan siya at napaiwas ng tingin. "No.. I.. umm.."
Napatawa naman ako na kinaangat niya muli ng tingin sa akin. Ngumiti ako ng malaki saka nagtanong sa kanya. "Gusto mo na bang kumain kasama ako?"
Napalunok siya, nag-isip ng isasagot. "No, b-but.. You can eat with me. Not that I want to! But because you're forcing me to eat with you!"
"Ha? Hindi naman ako nagpupumilit na--"
"Shh!" Pigil niya sa akin. "I'm letting you eat with me.."
Naningkit ang mga mata ko, hindi naman siya makatingin sa akin ng deretso. Mukhang ayaw niyang aminin na gusto niya ring makasama akong kumain. Binabaliktan niya at pinaniniwala na nagpupumilit lang akong makasama siyang kumain.. Siguro'y gano'n na lang siya kasarado sa ibang tao?
"O sige na nga." Natatawang sang-ayon ko. "Kunwari gustong-gusto kong kumain kasama ka! Kaya wala ka nang nagawa at hayaan na lang ako."
Naupo ako sa katapat na upuan at ipinatong sa gilid ng kama niya ang styro meal box na para sa akin. Binuksan ko iyon at nagsimulang kumain. Binalingan ko siya na tutok na tutok sa akin.
"Ryker," agaw pansin ko. "Kumain ka na rin."
Wala sa sarili niyang binuksan ang pagkain niya. Pinanood ko naman siyang kumain. Mukhang naiilang pa siya..
Tinuloy ko ang pagkain. Hindi naman masarap ang pagkain sa canteen. Iyong tipo na sakto lang ang lasa. 'Di hamak na ms masasarap ang luto ko kumpara dito.
Muli kong binalingan ng tingin si Ryker. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang kumakawalang luha sa mga mga mata niya!
"Ryker! Umiiyak ka ba?!" Gulantang kong tanong!
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makitang punasan niya ang sariling mga luha!
"I'm not.." Mahina niyang tanggi!
Napaawang ang labi ko at mabilis na sinapo ang magkabila niyang pisngi para siguraduhin kung umiiyak nga siya!
"Umiiyak ka, eh!" Hindi pa rin makapaniwalang usal ko.
Gano'n na lang ang malalim niyang pagtitig sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang sinasabi ng mga mata niya!
"Ano ba 'yan? Pinapakain lang kita, umiiyak ka na! Pwede mo namang tanggihan kung ayaw mo talaga--"
Sunod-sunod ang paglunok ko, gano'n na lang ang pagkatigil ko nang mabilisan niya akong yakapin! Nablangko ang utak ko nang ilang segundo dahil sa ginawa niya!
"Thank you, Nana.."
Napasinghap ako ng hangin. N-Nang dahil lang sa dinalhan ko siya ng pagkain!? O d-dahil din.. sinamahan ko rin siyang kumain?
"P-Pero bakit kailangan mong umiyak?" Gulat ko pa ring tanong sa kanya.
"I said I'm not." Tanggi pa rin niya! "L-Let's eat."
Matagal akong napatulala! Ni hindi ko na maalala pa ang sumunod na nangyari pagkatapos niyon..
-
"NASAAN si Mr. DeCavalcante?" Ngunot kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.
Dis oras na ng gabi nang maisipan kong puntahan ang palasyo ng mga DeCavalcante. Isa rin silang malaking grupo ng mga mafia. Alam kong sila ang makatutulong sa akin para malaman ang katotohanan.. kung sino kina Ryker at Colby ang tunay na kapatid ko.
"My father is busy." Anang lalaki. Naupo siya sa malaking upuan. Habang ako ay nakaupo naman sa kanyang harapan.
Nakasuot ako ng maskara na natatakpan ang aking ilong at bibig. Upang hindi maibulgar ang aking tunay na itsura.
"Who are you, then? I'm expecting your father." Pagsasalita ko.
Nakasuot siya ng puro puting kasuotan. Gano'n na lang din kaputi at kakinis ang balat niya, talagang desente at mayaman kung tingnan. Ang buhok niya'y itim na itim at makapal. Hindi naman sa nahilig akong tumingin sa mga buhok ng lalaki, pero kusa ko na lang talagang natititigan ang mga iyon at naipagkukumpara sa kulay tsokolateng buhok ni Ryker.
Napangiwi ang labi ng lalaki. "I'm Fenriz DeCavalcante." Pakilala niya sa akin. "And you?"
Nanliit ang mga mata ko. "I can't tell you my name. You're not the old DeCavalcante."
"Whatever. What do you want?" Ngiwi niyang tanong.
"Let's get to business, then." Seryoso kong sabi. Inabot ko sa kanya ang envelope. "Gusto kong isalang mo sa paternity test ang mga ito. Dalawang magkaibang tao ang nagmamay-ari ng hibla ng mga buhok. At isa sa kanila ang maaaring kadugo ko. Narito rin ang record ng DNA test ng mga magulang ko para sa mabisang resulta. Gusto kong malaman kung sino sa kanila ang kapatid ko. Gusto ko ng resulta ng DNA mula sa iba't ibang hospital ng iba't ibang malalaking bansa."
Sunod-sunod at walang tigil akong nagpaliwanag sa kanya. "I can pay you millions if you help me out."
Sinuri niya ang laman ng envelope at saka nag-angat ng tingin sa akin. "Okay, but expect na matatagalan 'to."
Seryoso akong tumango ako. "I can wait. Pero kailangan ko ng totoong resulta. I'm desperate, you know?"
"I don't." Tugon niya.
Napaikot naman ako ng mga mata. "Well, now you know." Nagpakawala ako ng hininga. "I guess, that's it. I'm counting on you, Fenriz DeCavalcante. You're the only gang I trust. Don't fail me."
Ngumiti siya. "You can trust us, anytime, in any situation. We're DeCavalcante's. We got your back."
Simula noon ay ang mga DeCavalcante ang pinagkukuhanan ko ng ibang mga impormasyon tungkol sa mga Campbell. Sa kanila rin ako minsan kumukuha ng mga tauhan, bukod sa tauhan nila Evie. Pero siyempre, pera-pera ang usapan.
"I'll go ahead." Tumayo ako.
Tumayo rin siya at nakipagkamay sa akin. "Expect a call from us anytime."
"Okay, thanks."
Lumabas na ako ng palasyo nila, pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay natanaw ko ang isang babae sa malaking garden na nakatanaw din sa akin mula sa malayo. Hindi ko na iyon pinansin at sumakay na sa aking motor saka iyong pinaharurot.
Malalaman ko rin ang totoong kasagutan.