Chapter 12

2375 Words
CHAPTER 12 "GOOD morning, manong guard!" Masaya kong bati sa kanya nang papasukin na niya ako sa loob ng gate ng akademya. "Waw," pinandilatan niya ako ng mga mata. "Limang minutos na lang sana ay late ka na. Sige, dali, humabol ka na sa klase niyo." "Opo, salamat po!" dali-dali akong tumakbo. Simula noong lunes ay ngayong Huwebes na lang ulit ako pumasok. Hindi ko naman seneseryoso ang pag-aaral dito bagaman graduate na ako. Ginagawa ko lang ito dahil sa pagbuo ko ng plano laban sa mga Campbell. Kasabay niyon, ang paghahanap ko kay Duziell. Makakahanap din ako ng pagkatataon para simulan ang lahat ng mga plano ko. Nang marating ko ang classroom namin ay wala ang mga klaklase ko roon! Pero ang mga bag nila at mga gamit ay naroon na. Nagtataka naman akong pumasok sa loob para ilagay ang bag ko sa aking upuan. "Nasaan na sila?" Pagtatanong ko sa sarili. Napanguso ako at naupo sa mesa. Naghintay pa ako ng halos sampung minutos pero wala pa ring pumapasok. Kaya naman nagtataka akong lumabas ng classroom. Ang ibang mga classroom ay nagsisimula nang magklase. "Nana!" Gulat akong napalingon sa aking likuran. "There you are!" Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Colby na tumatakbo papalapit sa akin. Subalit nakakapagtaka ang suot niyang shorts at sando. "Colby, nasaan ang mga kaklase natin?" Ngunot kong tanong nang tuluyan na siyang makalapit sa harapan ko. Natawa siya. "Nasa swimming area." "Bakit?" "May swimming lesson ngayon." Ngiti niyang tugon. Napaawang naman ang labi ko. "May swimming lesson? Kaya ba ganyan ang suot mo?" Bahagya pa siyang tumawa saka hindi ko inaasahang guguluhin ang magulo kong buhok! "Hindi mo ba alam ang sched?" "Alam.. pero-" "Let's go na.." putol niyang anyaya sa akin. "Malapit nang dumating si coach. Pagagalitan tayo kapag na-late." "Pero Colby!" Pigil ko nang akma niya akong hihilahin. Nagtataka naman niya akong nilingon. "Why?" Mariin akong napapikit. Shoot! Nakalimutan ko na may swimming lesson kami tuwing Huwebes. Sana pala ay hindi na ako pumasok. Paniguradong mabubura ang nilagay kong kolerete sa mukha ko! Paano na 'to? "Ahh kasi.." nag-isip ako nang idadahilan sa kanya. "Wala akong swimsuit, Colby!" Napataas naman ang dalawa niyang kilay. "Don't worry about that. Merong naka-provide na swimsuit sa locker." Napaawang ang labi ko. Shoot! Pag minamalas ka nga naman! "So, come on!" Biglaan niya akong hinila. Noong una'y nagmamatigas pa ako sa paghila niya sa akin. Pero wala rin akong nagawa nang pursigido niya akong hilahin patungo sa swimming area! Naroon nga ang mga kaklase kong babae na nakasuot ng swimsuit at parang handang-handa nang lumangoy! Madiin kong nakagat ang ibaba kong labi at pinagmasdan ang malawak na swimming pool. Mabubura talaga ang kolorete ko! Wala pa naman akong dalang kahit anong make-up ngayon! Hindi ko rin kasi talaga ugaling magbitbit ng mga gano'n. "Ayan na ang bruhang Nana!" Anunsyo ng isa sa kong kaklase. Bruhang Nana. Ayun na yata ang ang bansag nila sa akin. "Don't mind them." Seryosong bulong sa akin ni Colby. Napanguso naman ako sa kanya. "Ayaw kong mag-swimming, Colby!" Nahinto siya sa paglalakad kaya naman nahinto rin ako. Hinarap niya ako nang may pagtataka. "Why? Ito nga ang nakaka-excite na gawin sa buong school year." Nagpakawala ako ng hininga. Bukod sa ayaw kong mabura ang kolerete sa mukha ko. Para din akong mapipikon sa schedule ng swimming lesson namin. Umagang-umaga pa kasi at dalawang oras magtatagal! Eh, halos kaliligo ko lang sa bahay at basa-basa pa ang buhok ko. "Hindi ako marunong lumangoy, takot akong malunod!" Pagdadahilan ko kay Colby. Natawa na naman siya. "That's why it's called swimming lesson. Tuturuan ka kung pa'no lumangoy. And.. don't worry, ililigtas kita kapag nalunod ka." Napaawang ang labi ko na kinatawa niya pa. Napanguso naman ako bigla. "Ang sweet ng sinabi mo pero.. kasi--aray!" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang may bumangga sa akin mula sa likuran! Gulat naman akong napalingon ro'n. Nangunot pa ang noo ko nang makita ang tsokolateng buhok ni Ryker na nakatalikod na sa akin! Subalit gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang suot niya! Sa katunayan ay wala siyang pang-itaas na damit at tanging hapit na hapit na shorts lang ang pang-ibaba niya! "Oh my.. bakat." Napatakip ako ng aking bibig. Bahagya pa siyang lumingon sa akin nang may seryoso at madilim na mga mata bago mag-dive sa swimming pool! Napanood ko siyang lumangoy nang propesyonal at mag-floating sa gitna ng tubig. Gulat namang naagaw ng atensyon ko ang pagdating ng ibang mga lalaki. Parehas ang suot nila gaya ng kay Ryker! Hindi ko maiwasang mapatingin sa baba nila! Shoot! "Hey!" Agaw pansin sa akin ni Colby, lito akong humarap sa kanya na kinatawa niyang muli. "Magpalit ka na ng suot, Nana. Magpapalit na rin ako." Napalunok naman ako ng laway. "Ganung short din ang susuotin mo?" Bahagya pa siyang natigilan bago humalakhak ng tawa! Hindi ko inaasahang guguluhin niyang muli ang buhok ko! "Hahahaha! That's cute.. but of course!" Pinigil niya pa ang tawa. "I'll go get change na. Ikaw rin." Tumango na lang ako sa kanya. Nilagpasan na niya ako at pumasok sa loob ng panlalaking palikuran. Napabuntong-hininga naman ako. Nang mapunta ang paningin ko sa swimming pool ay bahagya pa akong nagulat nang makita ang posisyon ni Ryker! Kalahati lang ng ulo niya ang nakaangat sa tubig. Ang mga mata niya ay deretsong nakatitig sa akin, masamang-masama! Nagmukha siyang shokoy na balak akong hatakin pababa sa tubig! "Nye!" Inirapan ko lang siya. Minsan nakakapagtaka rin kung bakit gano'n kasama kung tumitig sa akin si Ryker. Samantalang noong huli kong naalala sa kanya ay umiyak siya sa clinic at napayakap pa sa akin! Malabo siyang intindihin. Ako nga ay hindi ko maalala ang huling araw na umiyak ako. Sobrang tagal na nang panahon na huli ko iyong ginawa. "Uy, Nana, magpalit ka na ng damit bago pa dumating si coach." Napalingon ako sa babaeng kumausap sa akin. "Ah, hello." Kunwari'y hiya kong sabi. Kaklase ko siya pero hindi ko alam ang pangalan. "Ay, sorry! Chloe nga pala." Inilahad niya ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. May pagkamataba siya kaya kumorte sa swimsuit niya ang mga taba sa tiyan niya. Hindi rin siya katangkaran, hanggang leeg ko lang siya. "Malapit nang dumating si coach kaya magpalit ka na nang damit. Strikto 'yun eh, baka mapagalitan ka." Sabi niya pa sa akin. Napakamot naman ako sa aking batok. Magsasalita na sana akong nang may umecho'ng boses sa lugar. Kaagad naalerto si Chole maging ang mga kaklase ko.. "Position! Position!" Buo ang boses na sigaw ng matipunong lalaki. Pumito pa siya gamit ang pito na nakasabit sa leeg niya. "Si Coach nandiyan na!" "Pwesto na!" Natataranta ngunit atat na pumila ang mga kakalase ko. Magkahiwalay ang lalaki sa babae. Salamantalang ako naman ay nakatayo pa rin sa kanina kong pwesto. "Tsk, tsk, nauna na pa lang lumangoy ang boss." Nakapamewang na sabi ng coach, kay Ryker nakatingin. Mukha namang kinilig ang mga babae habang nakatingin sa floating ni Ryker. Napangiwi naman ang labi ko. Relax na relax siya do'n, parang may sariling mundo! "Tsk! At mukhang may nahuli naman sa pagkilos!" Gulat akong napabaling ulit kay coach na nakatingin na rin sa akin. "Ahh.. coach kasi.." naglakad at nilapitan siya. "Bakit hindi ka pa nakabihis?" Istrikto niyang tanong sa akin. Napakamot ako sa aking batok. "Kasi po.. pwede po bang pass muna ako ngayon?" Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. "At bakit? Gusto mong magsolo bukas?" Naiirita niyang tanong sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi at mabilis na tumugon. "Hindi po coach!" "Eh, anong gusto mong mangyari? Bakit ayaw mong makipag-koopera ngayon?!" "Meron po ako ngayon, coach!" Nakapikit kong tugon. Narinig ko ang iilang tawa ng mga babae kong kaklase. Nang dumilat ako ay nagtataka na ang mukha ni coach. "Meron kang ano?" Ngunot noo niyang tanong. Inunahan akong magsalita si Sally. "Coach, ibig niyang sabihin meron daw siyang regla ngayon! Kaya ayaw niyang mag swimming!" Iritado ko siyang nilingon. Tsk! Itong babaeng 'to! Akala niya iboboto ko siya sa election nila bukas? Huh! "Ah, gano'n ba?" Mukhang naunawaan iyon ni coach. Muli ko siyang hinarap. "Opo, coach. Masakit din po ang puson ko ngayon, eh." Pagsisinungaling ko pa. Napatango-tango naman siya. "O sige. Maupo ka na lang muna roon. Panoorin mo ang lesson ngayon." Nagliwanag ang mukha ko. "Opo, coach, salamat!" Yes, ligtas! Gaya ng sinabi niya ay naupo ako sa gilid na upuan upang panoorin sila sa ginagawa. Nagsimula na silang lumangoy-langoy. Kailangan ko lang maghintay ng dalawang oras para matapos sila! Pero imbes na sila ang panoorin ko ay na kay Colby lang ang paningin ko. Naging seryoso ako nang makita ang marka sa dibdib niya. Gaya na lang nang alaala ko kay Duziell.. Ang kapatid ko.. Siya nga kaya? Siya na ba talaga? Si Colby ba si Duziell? Pero.. Napatingin ako kay Ryker na masama pa rin ang tingin sa akin habang nakaupo sa gilid ng swimming pool. Bakit ang isang 'to ay umeepal? Wala naman siyang birthmark sa dibdib pero sinabing kadugo ko siya. Samantalang kay Colby naman ay hindi ko pa nalalaman pero naroon na ang birthmark sa kanya. HINDI ko namalayan ang oras. Saka ko lang napagtanto na tapos na ang swimming lesson nang magsi-alisan na ang mga kaklase ko sa swimming pool. Ni hindi ko namalayang nakabihis na ang iba ng uniform at nagsisi-alisan sa swimming area para bumalik sa aming classroom. Pabuntong-hininga akong tumayo. Masyado na namang nilipad ang utak ko. Akma na sana akong maglalakad nang harangin ako ng grupo nila Sally. "Hoy, bruhang Nana." Mataray na bati sa akin ni Sally. Palihim akong umirap saka malaking ngumiti sa kanya. "Hi, Sally! Bakit?" Pinagkrus niya ang mga braso niya. "Siguro pinipeke mo lang na may regla ka ngayon, noh? Para hindi ka makapag-swimming?" Napalabi ako, pilit pa ring malaking ngumiti. "Hindi ah! Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Duh, kasi ayaw mong lumangoy! Alam ko na ang istilo na ganyan. Ginagawa rin namin 'yan. Kunwari meron kaming dalaw para hindi makasali sa swimming lesson." "Ahh, pwes kayo 'yon. Hindi naman ako katulad niyo." Pagsisinungaling ko ring banat. Napaawang ang labi niya. "Wow ha?" "Sige, alis na 'ko--" Hindi ko natuloy ang pag alis nang tulakin ako pabalik ng isa. "Wait lang, kinakausap ka pa 'di ba?" Naningkit naman ang mga mata ko. Muling nagsalita si Sally. "Umamin ka nga, anong ginawa mo kay Ryker?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya sa'kin. "Anong ginawa ko? Wala! Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?" Sarkastiko siyang tumawa. "Talaga ba? Eh bakit kanina pa siya nakatingin sa'yo?!" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at sa pagsigaw niya. Naglinga-linga ako ng tingin sa lugar, wala naman na roon si Ryker. Wala na ang iba ko pang mga kaklase. "Wait, 'wag kang feeling ah?" Dagdag ni Sally. "Hindi por que tinitingnan ka ni Ryker, eh gusto ka na niya! Ang pangit mo kaya!" Mas naningkit pa ang mga mata ko, iritado ko siyang hinarap. "Ang tining ng boses mo, Sally. Ang sakit mo sa tainga!" "A-Ano?" "At saka, hindi ako nagpi-piling! Kayo nga iyon. Ano ngayon kung pangit ako? Kayo nga na magaganda na ay hindi pa rin nagustuhan ni Ryker eh! Ayusin niyo muna ugali niyo, okay? Baka tingnan din niya kayo." nag-flip ako ng hair. Binangga ko siya sa braso saka sila nilagpasan. Subalit hindi ko aakalin na patolera talaga ang mga ito! May humablot ng buhok ko mula sa likuran! "Shooot!" Sumakit ang anit ko! "Bwisit kang bruha ka! Wala kang karapatan para sabihin 'yon!" Boses iyon ni Sally. "Ah! Aray ko! Bitawan mo 'ko ano ba?!" Nagpumiglas ako. Ayaw kong patulan ang mga babaeng 'to. Kaya hindi ko sila ginantihan at kumawala lang sa sabunot sa akin. Nang mapagtagumpayan ko iyon ay inis ko siyang hinarap. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay gano'n na lang kalakas ang tulak niya sa akin! "Aah!" Nanlaki ang mga mata ko nang mamalayan ang sariling mahulog sa swimming pool! Kaagad akong binalot ng tubig ngumit mabilis din akong nakaahon! Ang kolerete sa mukha ko! "Ayan! Buti nga sa'yo!" "Magpakalunod ka diyan, Nana!" Hinawakan ko ang aking mukha at naramdaman ang pagtunaw ng powder doon. Akma na sana akong aahon sa pool nang sipain nila ako pabalik! Dahilan upang bumagsak muli ang mukha ko sa tubig. Mariin kong nakagat ang ibaba kong labi at walang nagawa kundi ang sumisid. Sa kabilang gilid ko binalak na umahon. Pigil ko ang aking hininga at patuloy sa paglangoy. Kumapit ako sa gilid ng swimming pool at saka umahon. Ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mayroong net ang nakalutang sa ibabaw ng tubig na naging dahilan upang lumubog akong muli sa tubig! "NANA! 'Wag diyan!!" Nagsitilian sila! Hindi naging sapat ang hangin na nakuha ko kaya't pinilit ko pa ring makaahon kahit na may net na nakaharang! "Kyaaah! Help her!" "Nalulunod siyaa!!" "Yung net tanggalin niyo!" Shoot! Napapikit ako nang maramdaman ang pagkaubos ng hininga! Subalit awtomatiko akong napadilat nang may dalawang kamay ang humawak sa magkabila kong kamay! Dahil sa labo ng tubig ay hindi ko iyon nagawang makita ng klaro! Ngunit nang hatakin ako ng mga kamay na 'yon ay nakaahon na rin ako sa tubig! Sunod-sunod ang pag-ubo ko at paghahabol ng hininga! Namalayan ko na lang ang sarili na nakahiga sa semento ng gilid ng swimming pool. 'Ngena, kamuntikan na ako.. "Nana! Can you hear me--" "I can do this!" "Shut up!" "You shut up!" "No! Get off her!" "You get off!" Naguguluhan akong naupo sa semento habang patuloy pa rin sa paghahabol ng hininga. Dalawang malalaking boses ang naririnig kong nagbubulyawan! Nang matingnan ko ang mga iyon ay gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko! "C-Colby?" Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "R-Ryker?" "NANA!" Sabay nilang sigaw sa akin na kinagulat ko pa! Gano'n na lang ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Pero mas nanlaki ang mga mata ko ng may maalala. Ang mukha ko! Shooot! Mabilis akong nakatayo na kinagulat pa nila. Nakita ko pa si Sally at ang grupo niya na bakas ang pagiging guilty sa mukha. Bago pa nila tuluyang makita ang mukha ko ay mabilis ko na silang tinalikuran at tumakbo papalayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD