CHAPTER 21
"NANA, 'wag ka ngang tutulog-tulog diyan! Tumulong ka ng maayos." Masungit na sabi sa akin ni Aliyah.
Sinimangutan ko siya at inabot sa kanya ang banderitas, na isinabit naman niya sa itaas ng stage. Hawak-hawak ko ang hagdan na pinapatungan niya upang hindi siya mahulog. Tiningala ko siya at napapahikab na muling napatulala sa hangin.
Hindi sapat ang tulog ko kanina. Sana pala ay hindi ko na lang pinilit na pumasok. Gano'n pa rin naman, naging busy kami sa pag-aayos ng gym at quadrangle para sa magaganap na acquaintance party. Hindi ko rin makausap ng maayos si Colby dahil abala siya sa pag-aasikaso, kaya tanaw ko na lang siya sa malayo.
"Ano ba, Nana?!" Natauhan ako sa sigaw muli ni Aliyah, tiningala ko siya.
"Bakit?"
"Lutang ka? Sabi ko iabot mo sa akin ang banderitas!"
Napatango ako at nakangiwi ang labi ko iyong inabot sa kanya. Paasik niya iyong kinuha at inikutan ako ng mga mata.
"Dito kasi mag focus! Hindi kay Colby. Masyadong nagpapapansin." Parinig niya pang bulong.
Kinungutan ko siya ng noo at hindi na lang pinansin. Muli kong tinanaw si Colby sa malayo na abala sa pakikipag-usap kay Sally. Tumuturo siya sa kung saan na para bang may pinaplano. Seryoso sila ni Sally na animo'y mga business man. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Akala mo'y malaki ang pinoproblemang project samantalang acquaintance party lang naman ang pinaplano.
"Ano ba!" Nawala ang ngiti ko nang matauhan sa pagbatok ni Aliyah sa ulo ko.
Nag tiim bagang akong tiningala siya at matalim na nakipagtitigan sa kanya. Gano'n na lang din kasama ang titig niya sa akin.
"Nakakainis ka na, Nana! Hindi ba pwedeng ayusin mo ang pagtulong sa akin! Puro ka kay Colby nakatingin, nagpapapansin ka ba?!" Inis na inis niyang sigaw sa akin.
Nalukot ang mukha ko dahil sa ginawa at sinabi niya sa akin. Ngunit sa halip na patulan siya ng salita ay walang anu-ano'y malakas kong inalog ang hagdan na pinapatungan niya saka ko iyon binitawan. Dahilan upang kamuntikan na siyang mahulog. Masuwerte't nakakapit pa siya at nabalanse ang sarili niya sa hagdan. Natitigilan niya akong pinanlakihan ng mga mata.
"I-Itutulak mo ba ako rito?!" Nagugulat niya pang tanong sa akin.
Ngumiti ako ng malaki at tumango-tango. "Oo, sayang 'di ka pa nahulog."
"Bruha ka!!" Bumaba siya sa hagdan at hinarap ako. Akma niyang hahablutin ang buhok ko nang saluhin ko ang kamay niya.
"'Wag, Aliyah." Ngisi kong pigil sa kanya. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya. "Wala ako sa mood ngayon."
"Nana--"
Bahagya ko siyang tinulak na kinaatras naman niya. "Ayaw ko nang tumulong. Bahala ka na sa buhay mo."
Balewala ko siyang tinalikuran at bumaba ng stage. Narinig ko naman ang malakas na pagsigaw niya.
"Aba, Nana! Bumalik ka ritong bruha ka!!"
Napalabi ako at hindi pinansin iyon. Pinagtinginan naman ako ng mga estudyante hanggang sa makalabas ako ng gym. Nagpunta ako sa quadrangle kung saan nagkalat din ang mga 4th year students upang idesenyo ang labas. Pinanood ko iyon at napahikab. Naantok na talaga ako.
"Nana!"
Ngunot-noo akong lumingon sa likuran nang may tumawag sa pangalan ko. Kaagad na nagbago ang mood ko nang makita si Colby! Mabagal siyang tumakbo papalapit sa akin at huminto sa harapan ko.
"Bakit, Colby?" Malaking ngiti kong tanong. Gusto ko siyang tawagin sa pangalang Duziell.
Kumamot siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti. "Um, s-sa Friday na magaganap ang acquaintance party natin.. at.. required na may partner.."
Hinihintay ko ang mabagal niyang pagsasalita. "Hmm? Tapos?"
Nag-iwas siya ng paningin. "I-I don't have partner yet.. and.. h-how about you?"
Napatitig ako sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa. Nagkaroon naman ako bigla ng ideya sa gusto niyang iparating sa akin.
"Gusto mo bang maging partner tayo?" Kuryoso kong tanong.
Napasinghap siya ng hangin at napalunok. "Yes."
Sandali pa akong napatitig sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi kaya't sumilay ang dimple sa pisngi niya. Napangiti naman ako at tumango-tango. Nagliwanag naman ang mukha niya at ganoon din ako.
"Wala pa akong partner, Colby. Kaya masaya ako na tinanong mo ako tungkol do'n!" Napatawa ako at napakamot sa aking buhok. "Nakalimutan ko na nga na kailangan pala ng partner! Hahaha!"
"Pfft! Hahaha!" Nahawa siya ng tawa ko at ginulo-gulo ang aking buhok. "That's cute. So partner na tayo ah?"
"Mm!"
Bahagya siyang yumuko sa akin upang mapantayan ako. Sandali pa kaming nagkatitigan at hindi nawala ang ngiti ko. Mas mapapalapit ang loob ko kay Colby kung lagi kaming magkakasama. Pagkakataon ko na rin 'yon na maging partner kami sa magaganap na acquaintance party.
"Colby!"
Natauhan kami nang may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon doon at nakitang sumesenyas ang 'di pamilyar na lalaki sa kanya. Sumenyas din siya pabalik bilang tugon saka muli akong hinarap.
"Uh, I gotta go first. Hindi pa tapos ang ginagawa namin." Paalam niya.
Tumango naman ako at nag thumbs up. "Sige! Keep up the good work, Colby!"
Bahagya pa siyang tumawa at tinanguan ako. Saka siya sumunod sa lalaki at sabay silang pumasok sa gym. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga.
Duziell.. sayang at hindi ko napanood ang paglaki niya.
Nakaramdam ako ng panlulumo at napatingala sa kalangitan. Alam kong wala roon si Mama sa langit dahil paniguradong nasa lupa siya, pero umaasa pa rin ako na nakikita niya ako ngayon. Sana pinapanood niya ako ngayon.
Pabuntong-hininga akong naglakad sa path way. Ngunit nang lumiko ako ng daan ay sakto namang may sumalubong sa akin! Nauntog ang noo ko sa matigas na dibdib at kamuntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa lakas ng epekto niyon.
"What the freak?"
Nasapo ko ang aking noo at napatingala sa lalaking iyon. Tinaasan ko siya ng kilay nang magtama ang paningin naming dalawa. Magkasalubong na rin ang mga kilay niya subalit bigla iyong nagliwanag.
"Oh crap! There you are, witch!" Agresibo niya akong hinila papalapit sa kanya!
"Ano--Ryker!" Piniglas ko ang kamay ko at iritadong tiningala siya. "Bakit ba?"
"Tsk! I was looking for you. You didn't tell me you just finished sleeping in the library earlier!" Paasik niyang sabi sa akin.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Bakit? Kailangan ko pa bang ipaalam sa'yo 'yon?"
"I believe so, yes." Mariin niyang sabi.
Nalukot naman ang mukha ko. "Bakit? Bakit mo ba 'ko hinahanap?" Nakamot ko ang aking noo.
Bumuntong hininga naman siya at pumungay ang mga mata habang nakuyo na nakatitig sa akin. "You know we need a partner at an acquaintance party, don't you?"
"Oo, bakit?"
Ngumiti siya. "Be my partner, then."
Mas nalukot ang mukha ko. "Ano? Bakit naman ako?"
Bahagya namang napalitan ng pagtataka ang ngiti niya. "Why not you?"
"Ha?" Napaayos ako ng tayo. "Seryoso ka? Ako gusto mong maging partner? Sa mukha kong 'to? Bakit hindi na lang iba ang yayain mo?"
"Everyone looked gross to me." Tugon niya. "But you're grosser, so I picked you."
"Tsk, talaga lang ah?"
"Why? What's up with your reaction? You should be happy because I will be your partner!"
Napasinghap ako ng hangin at pinakawalan iyon. Saka ko pinag-krus ang mga braso ko at tumitig sa kanya.
"May iba na akong partner, Ryker." Deretso kong sabi.
Tuluyang nawala ang ngiti niya at gano'n na lang ang pagseryoso ng mukha niya. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya at tinaliman ako ng tingin.
"What did you say?" Madilim niyang tanong sa akin.
Nagkibit-balikat lang ako. "May partner na ako, hindi ikaw."
"Who?" Seryosong-seryoso niyang tanong. "Tell me, who?"
Nginisihan ko siya at inilingan. Hindi ko sasabihin, baka kung anong gawin niya kay Colby. I have to protect my little brother away from him at all cost. Dahil malinaw pa rin sa alaala ko ang pang aabuso niya kay Colby. Noong mga araw na pinapanood ko lang si Colby na binubugbog niya, mismo pa sa harapan ko? Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Kung gaano kalutong ang suntok na binabato niya kay Duziell, ganoon din kalutong ang isusukli ko. Subalit sisiguraduhin ko na hindi sa pisikal na katawan siya mapupuruhan.
"Answer me, Nana." Naiinip niyang sabi sa akin.
Umiling-iling ako at malaking ngumiti. "Ayaw ko nga."
"What?" Bakas na ang pagkapikon sa mukha niya.
Nagkibit-balikat ako at tumawa. "Good luck sa paghahanap ng ibang partner. Sana lang malamangan niya ako sa party."
Todo ang pagkakangisi ko na tinalikuran siya. Subalit hindi pa ako nakakahakbang nang hatakin niya ako pabalik.
"No, no, you witch! You will be my partner at the party because I said so."
Hinarap ko siya. "Meron na nga akong kapares--"
"Tell me who the heck it is, and I'll punch him right in the face."
Napaasik ako at matalim na nakipagtitigan sa kanya. "Bakit ba? Bakit ba gusto mo akong kapares? May gusto ka ba sa akin?"
Sandali siyang natigilan sa tanong ko at pinanlakihan ako ng mga mata. "What? W-What?! What did you just ask me?!"
"May gusto ka ba sa'kin? Kaya gusto mo akong kapares?" Deretsahan kong tanong.
"Wow! Can you hear yourself? Why would I like you when you're obviously looking gross. And the last time I check, you are the one who's freaking obsessed with me."
Palihim akong napangisi at napailing. "Ahh.. gano'n ba? Kung gano'n, bakit gusto mo akong kapares, e marami namang iba diyan?"
Tinaliman niya ako ng titig at matagal na hindi umimik. Nagtiim bagang siya at pabuntong-hininga na nag iwas ng paningin sa akin.
"Fine, whatever! I won't force you, go with someone else and be a freaking witch."
Walang anu-ano'y tinalikuran niya ako pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon. Napatitig ako sa likuran niya nang magsimula siyang maglakad papalayo, saka ako nagpakawala ng hininga.
Let's see..
-
PAGOD ang inabot ko nang makauwi ako sa apartment. Gabi na rin nang makauwi ako dahil hindi ako nakatakas sa pagtulong kay Aliyah sa gym kanina. Nakakapagod pero naging sulit naman iyon dahil natapos namin ang lahat ng kailangang tapusin. Inanunsyo na rin na walang pasok bukas para makapaghanda ng masusuot namin para sa acquaintance party.
""Live na nagbabalita, hindi pa rin matukoy kung sino ang suspect sa naganap na homicide sa baranggay ng Sto. Niño. Ayon sa witness, isang babae ang nanghimasok sa kanilang kwarto, dis oras ng gabi, at siyang kumitil sa kasintahan--""
Nahinto ako sa pagsuklay ng buhok ko nang marinig ang balita sa malabong telebisyon. Seryoso ko iyong pinanood at ganoon na lamang ang inis ko nang makita ang lugar kung saan nakatira si Vlad, na siyang tauhan ni Evie. Nakatakip man ang babaeng witness sa balita ay namumukhaan ko iyon. 'Yon ang babaeng ka-s*x niya noong gabing pinatay ko siya.
Inisan kong dinampot ang telepono ko at tinawagan ang mga DeCavalcante. Sandali pa akong naghintay at nakahinga ako nang sagutin iyon!
"Hello?" Maliit na boses ng lalaki ang sumagot.
"Is this Fenriz DeCavalcante?" Ngunot kong tanong.
"No, I'm Tracer Shin DeCavalcante, hi Na-zee-na! Napatawag ka?"
Nasapo ko ang noo ko. "Kid, can you give this to someone else, I got business."
"Hey, hey, I'm not a kid, I can do business! Besides, busy sina uncle at auntie sa kwarto. So I'm the one who's in charge right now. What do you want?"
Wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga. "Buksan mo ang tv at panoorin mo ang balita. Bilisan mo."
"I'm actually watching it."
"Then good! Nakikita mo ang ini-interview na babae? Patahimikin mo 'yan right away. I'll send you the money after."
Matagal na nawalan ng imik sa kabilang linya at saka lamang siya nagsalita. "Um? Anong ibig mong sabihin sa patahimikin? 'Cause I don't really get it--"
"Kill her." Putol ko, narinig ko ang pagsinghap niya.
"I can't kill. Papatayin ako ni uncle 'pag pumatay ako."
Nasapo ko ang noo ko. "Idiot! Siyempre hindi ikaw ang gagawa! May tauhan kayo 'di ba? Sila ang uutusan mo. Gosh, why am I even explaining to a kid! Pakisabi na lang sa unlce or auntie mo ang sinabi ko, Tracer Shin."
"Oh, okay! Sasabihin ko 'pag lumabas na sila ng kwarto. By the way, do you like me---"
Binaba ko na ang telepono nang hindi siya pinapatapos. Napapailing akong napatitig pa doon at kinilabutan. Kung bata at isip-bata lang din ang magkakagusto sa akin ay huwag na lang, geez!
Sandali pa akong napatitig sa malabong telebisyon at tinitigan ang babae. Sana pala ay sinama ko na siya sa pagpatay kay Vlad. Paniguradong nakapagbigay siya ng impormasyon sa kapulisan.
Pinatay ko ang tv at pabagsak na nahiga sa aking kama. Dala ng pagod at antok ay mabilis na nilamon ng kadiliman ang buo kong paligid.
KINABUKASAN. Masarap at magaan ang gising ko. Nabawi ang pagod ko at talagang ginanahan akong kumilos. Nag-ayos ako ng aking sarili at nagpunta sa mamahaling shop ng mga damit.
"Good morning ma'am, how can I help you?" Salubong sa akin ng saleslady.
"Find me a cocktail dress." Ma-awtoridad kong utos.
"What color do you want, ma'am?"
"I want maroon." Tugon ko. "Find me the most expensive maroon cocktail dress here."
Napangiti siya saka tumango at dali-daling kumilos. Naupo naman ako sa malambot na sofa at naptitig sa repleksyon ko sa salamin. Kailangan ko na ring iayos ang buhok ko. Wala rin namang saysay ang pag-disguise ko kung binunyag na Evie kay Flencher Campbell. Kaya ko namang lumaban ng hindi na nagtatago.
"Ma'am, what you can you say about this dress?" malaking ngiti na tanong sa akin ng saleslady habang pinapakita sa akin ang dress.
Pinagmasdan ko iyon ng maiigi. Wala siyang manggas at talagang hapit na hapit sa baywang ang sikip, kumikinang ang desenyong itim sa bandang dibdib. Hanggang talampakan ang haba at may mahaba ring hiwa ang kabilang bahagi ng palda. Tumayo ako upang hawakan ang tela niyon. Malambot ngunit madulas..
"It's not perfect." ngisi ko. "Unless I wear it."
Malaki siyang napngiti lalo pa nang iabot ko ang card ko. Nagpaalalay ako sa kanya patungong hair salon. Pinaayos ko ang buhok ko at itinama ang pagkakakulot niyon. Sa katunayan ay straight lang ang buhok ko noong bata ako, pero hindi ko iyon gusto. Mas bagay sa akin ang paalon at kulot na buhok. Sinampolan din ako ang make-up ng mga nag-aayos sa akin. Kaya naman halos makita ko ang ibang bersyon ng mukha ko ng matapos iyon. Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin.
"Madam! Bakit ngayon lang namin kayo nakita? You look like a model or an artist! Dito ang tambayan ng mga katulad mo!" naaaliw na sabi sa akin ng bakla.
Ngumisi ako. "Hmm, pero hindi pagiging model o artista ang tipo ko."
Mas gusto ko ang humawak ng baril at makipag-giyera.
Matagal akong napatitig sa repleksyon ko sa salamin habang hindi nawawala ang ngiti ko. Para bang nakatagpo ako ng ibang bersyon ng sarili ko.
Subalit kung ganito lang din kaganda ang ipapakita ko sa mga kaklase ko sa acquaintace party.. Paniguradong hindi sila maniniwala na ako nga si Nana. Paniguradong magtataka sila at maghihinala.
Kailangan ko pa ring baguhin ang kolorete sa mukha ko. Iyong hindi maganda at hindi rin pangit. Ibabalanse ko na lang sa paraang mapapanganga pa rin sila.