CHAPTER 20
HINDI pa sumisikat ang araw nang biglain ko ang pagpunta sa mansyon ng mga DeCavalcante. Sa kadahilanang hindi ako nilubayan ng kuryosidad ko buong magdamag.
"Anong--"
Tinutok ko ang baril ko sa noo niya nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Sandali pa siyang natigilan subalit nawalan din ng emosyon. Ipinagdikitan ko ang baril ko sa noo niya. Lahat naman ng mga tauhan ng DeCavalcante ay tinutukan din ako ng baril. Hindi ko iyon pinagtuuan ng pansin. Blangkong emosyon akong nakipagtitigan sa babaeng DeCavalcante habang tutok pa rin sa kanya ang baril.
"Put your gun down! Now!" Malakas na sigaw ni Fenriz DeCavalcante. Matalim at galit na tinutukan din ako ng baril.
Hindi ko rin siya pinansin at nanatiling nakatuon sa babae, na nanatili ring walang emosyon. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Napadalaw ka?" Aniya, binalewala ang posisyon naming dalawa.
"Paano mo nalaman?" Seryoso kong tanong. "Ang tungkol kay Evie."
Hindi agad siya nakatugon nang lumapit si Fenriz DeCavalcante habang hindi inaalis ang pagakakatutok ng baril sa akin.
"Fenriz, ibaba mo 'yan." Mahinahong utos ni Mei Mei.
"No." Tanggi nito, nasa akin ang matalim na paningin niya. "Put your gun down first, Naziena."
Nginisihan ko siya at binaba ang baril ko saka hinagis iyon sa semento. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kanyang baril subalit galit pa rin na nakatitig sa akin. Ibinaba rin ng kanilang mga tauhan ang mga armas.
"Ngayon," pagsasalita ko at binalingan ang babae. "Mei Mei? Paano mo nalaman ang tungkol kay Evie?"
"Iyon ba ang pinunta mo rito, umagang-umaga?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.
"'Wag mong tanungin ang tinatanong ko sa'yo. Hindi 'yon ang gusto kong marinig sa'yo." Seryoso kong tugon.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Huwag mo ring pangunahan ang gusto kong itugon sa'yo. Ikaw ang nangangailangan ng kasagutan, hindi ba?"
Nginisihan ko rin siya. "Mukhang hilig mo atang magpaligoy-ligoy? Kailangan ko ng sagot. Hindi tanong sa nauna ko nang tanong."
Matagal kaming nagkatitigan at nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Kung hindi pa humarang si Fenriz DeCavalcante ay baka masundan ang sagutan naming dalawa. Galit man ang itsura ni Fenriz ay kalmado siyang nagsalita sa akin.
"Hindi naging maganda ang bungad mo, Naziena." Seryosong aniya. "I didn't like you pointing a gun at my wife." Mariing aniya.
Lalo akong napangisi. "Mag asawa pala kayo? Edi sana sinabi mo agad para sa'yo ko na lang itinutok ang baril."
Lalong sumama ang mukha niya. "Get out of here."
Pinagkrus ko ang mga braso ko. "I didn't want to come here in the first place. Dahil hindi ko alam kung kayo ba'y mapagkakatiwalaan ko. Pero dahil curious ako.." sinulyapan ko si Mei Mei sa likod niya. "Kung paano nalaman ng asawa mo ang tungkol sa pagtraydor ng pinsan ko."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng babae saka bahagyang itinulak si Fenriz DeCavalcante upang maharap ako. Seryoso kaming nagtitigang dalawa.
"Inaasahan naman namin na darating ka para alamin ang tungkol sa bagay na 'yon." Aniya. "Pero hindi namin nagustuhan ang ibinungad mo. Lalo't naistorbo mo ang pagtulog namin."
"Mabuti na ang nag-iingat." Napaasik ako. "Desperada na ako ngayon, Mei Mei. And I don't fully trust you. Kung ang mismong kamag-anakan ko nga ay hindi ko mapagkakatiwalaan, kayo pa kaya?"
Naitabingi niya ang ulo. "Sa tingin mo ba.. buhay ka pa ngayon kung hindi mo kami mapagkakatiwalaan?"
Naningkit ang mga mata ko. Napangiwi naman ang labi niya at muling bumuntong-hininga.
"Sumama ka sa akin." Anyaya niya at tinalikuran ako para maunang maglakad.
Nagkatinginan pa kami ni Fenriz DeCavalcante, na masama pa rin ang pagkakatitig sa akin.
"Don't make a wrong move, Naziena." Nagbabanta pang aniya.
Nginisihan ko lang siya saka hindi na tumugon pa. Sinundan ko naman ang asawa niya patungo sa malaki nilang opisina. Naupo ako sa dati kong pwesto kaharap ang malaking lamesa at malaking upuan. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang makitang nakaupo roon ang teenager na lalaki.
"Hi, Nazayna!" Bungad niya sa akin at nilahad ang kamay. "Remember me? I didn't get the chance to introduce myself properly. I'm Tracer Shin DeCavalcante." Malaking ngiting pakilala niyasa akin.
Tinanggap ko ang kamay niya. "My name's Na-zee-na, not Na-zay-na." Madiing pakilala ko dahil sa maling pagbigas niya sa pangalan ko.
Hindi nawala ang malaking ngiti niya saka tumango-tango. "Okay, Na-zee-na! You're kinda cool.. and hot."
Naningkit ang mga mata ko. "Yeah? Well you looked childish.. and annoying."
Nawala ang ngiti niya at nanguso. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Mei Mei na kasalukuyang inabot sa akin ang isang baso ng juice.
"Tomato juice." Pagtukoy niya roon.
Nalukot ang mukha ko. Iyon din ang inalok sa akin ni Fenriz noong huli akong pumunta rito. Tinanggi ko ang kamay ko saka umiling-iling sa kanya.
"Thanks but, I don't want to drink that thing." tugon ko.
Nagkibit-balikat siya. "Bahala ka. Tatawagin ko muna si ama sa itaas. Nang sa gano'n ay maliwanagan ka."
"Ama? Sino?" ngunot noo kong tanong. "Si Mr. DeCavalcante ba? Narito na siya?"
Tumango-tango siya bilang tugon. Pinanood ko siyang lumabas nang opisina at maglaho. Napabuntong-hininga naman ako. Wala pa akong tulog magmula kagabi at unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagod. Tapos papasok pa ako sa akademya mamaya. Sa katunayan ay hindi ko naman kinakailangang pumasok. Pero dahil gusto kong makita si Duziell ay ayaw kong lumiban.
"So.. Naziena?" muling pagsasalita ni Tracer Shin sa harapan ko. "Do you have a boyfriend?"
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "Excuse me?"
"I'm asking if you have a boyfriend." malaking ngiti niya pang sabi! "Kasi kung wala.. I can be your boyfriend."
Sarkastiko akong napatawa. "Hey, you're only a kid."
"I'm 17." ngumuso siya. "You're 23, right? But age doesn't matter, and I can see that we can make a perfect couple! I like girls who are much older than me. So, what can you say about it?" umaasa niya pang tanong.
Hindi ko alam kung anong irereak ko pero kusa na lamang akong napatawa at napailing-iling.
"17?" natatawa at tatango-tango kong usal. "Sa tingin mo ba pumapatol ako sa bata? Isa pa, mukha kang isip-bata. You're even wearing doraemon shirt! Kung papatulan kita, child abuse ang tawag do'n."
Humaba ang pagkakanguso niya at napatingin sa doraemon na damit niya saka muling nag angat ng paningin sa akin.
"Well, I like doraeMON. But--"
Hindi natuloy ang sasabihin niya nang mula sa malaking pintuan ay pumasok doon si Mei Mei at sa likod niya ay pumasok din si Mr. DeCavalcante! Awtomatiko akong napatayo mula sa kinauupuan.
"Mr. DeCavalcante!" malakas kong sambit sa kanya, nagugulat.
Nagugulat ding nabaling ang paningin niya sa akin at tinanaw pa ako. "Nazeina De Ayala, iha! Ikaw na ba 'yan?" malaking boses niyang tugon at lumapit sa aki.
"Oho! Kayo ho ang matagal ko nang inaasahang makita!"
Humalakhak siya at hinawakan ako sa magkabilang braso habang sinusuri ang kabuuan ko. Na para bang lolo na nakita ang kanyang apo. May puti na rin sa buhok niya na dati'y hindi pa mahahalata.
"I'm surprised that you're actually here, iha! It's been a long time nang huli tayong magkita." saad niya. "I just came home from Italy, so I put my son in your case. Dapat sana'y iimbitahan pa lamang kita para pag usapan ang mga bagay-bagay, subalit naririto ka na ngayon. What brings you here early in the morning, iha?"
Bumuntong hininga ako. "Because of curiosity that brings me here, Mr. DeCavalcante."
Napatango-tango siya. "I'm listening, but let's sit down first, iha." iginaya niya ako sa upuan.
Muli akong naupo habang siya naman ay naglakad patungo sa malaki niyang upuan. Istrikto niyang pinaalis si Tracer Shin doon saka siya naupo at hinarap ako.
"Continue."aniya.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Tinatraydor ako ng pamilya ko. May kasunduan sila ni Flencher Campbell ayon sa mga impormasyon na nakuha ko. Exposed na ang identity ko sa mga 'yon. Hindi sumang-ayon ang nauna kong plano, Mr. DeCavalcante." Paliwanag ko.
Napapabuntong-hininga kong tinuro si Mei Mei. "Alam niya ang tungkol do'n. Gusto kong malaman kung paano niya iyon nalaman. At kung bakit hindi niya sinabi iyon nang agaran."
Naupo si Mei Mei sa tabi kong upuan at kinunutan ako ng noo. "Bakit? Maniniwala ka ba kapag sinabi ko iyon agad sa una nating pagkikita?"
Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga ni Mr. DeCavalcante. "Ang totoo niyan, Naziena. Kahit nasa italy ako ay hindi ko pinabayaan ang kaso mo. Matagal ko nang pinapasundan ang pinsan mo, si Evie De Ayala, at ang pamilya niya."
May hinugot siya sa hunos na envelope at inabot iyom sa akin na agad kong tinanggap. Bahagyang nangunot ang noo ko at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang mga litrato ni Evie at ang itim na sasakyan.
"Sa loob ng sasakyan na iyan ay tauhan ni Flencher Campbell." dagdag pa ni Mr. DeCavalcante. "Hindi ko sigurado kung kailan nagsimula ang ugnayan nila. Subalit sa tagal kong pag-iimbestiga ay nalaman ko ang dahilan kung bakit ka nagawang traydurin ng pinsan mo at nang pamilya niya."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Sunod-sunod akong napalunok. "A-Ano ho ang dahilan?"
"Simple lang." Ngumiti siya. "Nagawa ka nilang ipagpalit sa malaking malaking halaga ng pera. Pinangakuhan sila ni Campbell ng kayamanang higit pa sa presyo mo."
Natigilan ako sa narinig. "B-Bakit? D-Dahil sa pera at kayamanan? B-But I have it all! Mayroon naman akong quadrilyones na pera! I can give them those! Hindi na nga ako nakipagtalo sa mga mansyon at negosyong kinuha nila mula sa mga magulang ko! H-Hindi pa ba sapat 'yon at nagawa nila akong ipagpalit?!" emosyonal kong sigaw.
Dahil ang akala ko ay parte ako ng pamilya nila! P-Paano ba nila iyon nagagawa sa akin? Wala lang ba ako para sa kanila?
"Siguro gano'n na lang kalaki ang inalok sa kanila?" pagsasalita ni Mei Mei, sa kanya nabaling ang atensyon ko. "Bumagsak na ang mga negosyong pinapatakbo nila at palugi na rin ang iba nilang kumpanya. Kaya ka siguro binenta."
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. "B-Binenta?"
Tumango siya at ngumisi. "Mayroong invitation card ang inabot sa'yo ng pinsan mo, tama ba?"
"H-Ha?" naplunok ako at bumakas sa alaaala ko ang binigay ni Evie sa aking invitation card noong nakaraan pang araw. "Meron nga.. K-Kaarawan ni tita sa susunod na linggo. Kaya ibinigay niya iyon sa akin."
"Huwag kang pupunta sa lugar na nakalagay doon." seryosong aniya. "Isa lang iyong bitag. Mapapahamak ka lang."
Napalunok ako sa sinabi niya. Nagsalita naman si Mr. DeCavalcante at sa kanya nabaling ang atensyon ko.
"Maging alerto ka lagi, Naziena." pagpapayo niya, seryoso akong tiningnan. "Gagawa tayo ng panibangong hakbang para makaisatuparan mo ang pagpapatumba sa pamilyang Campbell."
Matagal akong nawalan ng imik at tumango. "Ano na ho ang gagawin ko?"
Nanatili siyang seryoso. "This time, you have to use Flencher Campbell's son."
Sandali akong natigilan at napatitig sa kanya. "Si Damon Ryker? Sa paanong paraan?"
Umayos siya ng upo. "As I can see, he's innocent and have nothing to do with his father's illegal business. Pinoprotektahan ng Cambell ang nag iisa niyang anak in a far different way. Kaya noong una ay hindi natin alam na may anak pala siya."
"Bukod do'n. Niligaw nila ang DNA result ninyong dalawa at pineke. Para sa huli, hindi mo rin matagpuan ang kapatid mo at ikaw ang talo." dagdag niya pang paliwanag.
Bigla akong naliwanagan at nasagot ang katanungan ko noon. Kung bakit iba ang resultang ibinigay sa akin ni Evie noon sa resultang natanggap ko sa mga DeCavalcante.
Nakinig ako sa mga sinabi ni Mr. DeCavalcante. Sa kanya ako mas nagtitiwala at kailangan kong sumugal. Kakampi ko sila kahit pa ilang beses ko na silang pinaghinalaan noon.
"Sa susunod na dalaw mo, Naziena. Huwag mo na akong tutukan ng baril." pagsasalita ni Mei Mei nang maihatid niya ako sa labas ng gate ng kanilang palasyo. "Hindi ko iyon nagustuhan kanina."
"Tsk," asik ko at tumango. "Sorry, sarado ang isip ko kanina. Wala akong tulog at pagod ako kaya ko iyon inakto. Desperada na rin akong malaman ang totoo."
Ngumiwi ang labi niya. "Sige, kakalimutan ko na iyon."
Tipid akong ngumiti. "Salamat. Pakisabi rin sa asawa mo na humihingi ako ng paumanhin."
"Hindi ko siya asawa. Pero makakarating ang pinapasabi mo." tugon niya na kinangunot ng noo ko.
Ang akala ko ba ay mag asawa sila? Hindi ko na lang iyon pinansin at hindi na ako tumugon pa. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at sumakay sa motor ko. Saka ko iyon pinaharurot pabalik sa apartment.
-
"GOOD morning, manong guard!" bungad ko sa gwardya nang makapasok ako sa akademya.
"Ah! Aga natin ngayon ah?" ngiti niyang tugon. "Naunahan mo pa ang mga teachers!"
Napatawa na lang ako at tuluyang pumasok sa loob. Wala pang halos katao-tao at pasikat pa lang ang araw. Sinadya kong agahan para dito na lang matulog.
Nang pumasok ako sa classroom ay wala pa ang mga kaklase ko. Nilagay ko sa upuan ko sukbit kong bag saka lumabas din. Nagtungo akong library at doon piniling magpahinga. Naupo ako sa pinakadulong upuan kung saan sobrang tahimik at sinubsob ang mukha ko sa malamig na lamesa. Pinikit ko ang aking mga mata at pinayapa ang aking isipan.
Ganoon na lang kabigat sa pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Ang dami kong kailangang iproseso at kailangang gawin. Nakakalimutan ko nang magpahinga at alagaan ang sarili ko.
Subalit bago pa ako tuluyang makatulog ng mahimbing ay may naramdaman akong tumabi sa katabi kong upuan. Automatiko akong napamulat ng mga mata at natigilan.
"Ryke--" akma ko sanang ibabangon ang ulo ko nang hawakan niya iyon at sinubsob muli ang pisngi ko sa lamesa.
"Just sleep." mababang boses na aniya, may kamunting ngiti sa labi. "I'm here but don't mind me."
Napatitig ako sa kanya, gano'n na lang kaliwanag ang mukha niya habang nakatitig din sa akin. Hindi ko na tinangka pang ibangon ang ulo ko dahil hawak niya iyon at pinipigilan.
"It's my first time seeing a tired witch." ngiti pang sabi niya.
Hindi ako umimik at nanatiling tumitig sa kanya. Dahan-dahan din niyang isinubsob ang kabila niyang pisngi sa lamesa habang hindi inaalis ang paningin sa akin. Naramdaman ko nang marahan niyang haplusin ang buhok ko.
"Close your eyes," mahina, malambing niyang utos sa akin. "I want to watch a witch sleeping."
Sandali pa akong napatitig sa kanya. Saka ko unti-unting pinikit ang mga mata ko dala na rin ng pagod.
Ryker..
Ayaw kong matalo sa laro ng ama mo.
Kaya naman, ikaw ang gagamitin kong alas para manalo.