Sumunod ang babae na hindi napuna ang ginawa ng binata
Isang buntong - hininga ang pinakawalan ni Ericka bago umalis sa kinaroroonan. Wala sa loob na nagpupunas sa alikabok nang marinig ang pagpasok ng isang sasakyan sa garahe.
Sinilip niya ito sa bintana. Si Wilna!
Ngumiti siya at mabilis na bumaba upang salubungin ito.
"Hello, Ericka," nakangiting bati ni Wilna sa kanya.
"Hi. kamusta ka na? Si Nana Inez?" Sinulyapan niya ang bahagyang namumukol nitong tiyan.
"Okey lang kaming lahat. Gusto ngang malaman ni Nana Inez kung hindi ka nahirapan sa mga trabaho dito," Naupo ito sa sofa.
Natawa ang dalaga. Alam niya ang ibig sabihin ng matanda. "Tell her I'm doing fine, Wilna.
Wala siyang dapat ipag-alala."
Nagsalubong ang mga kilay ni Wilna sa sagot niya. Nag-isip ng malalim. She has never in her life meet a maid na kaswal at diretsong mag-english na parang balewala. Magtatanong sana ito nang sumungaw sa pinto sina Anthony at Yvette. Ang babae in her scanty bikini at si Anthony in brief trunks.
"Hello, Wilna. Kasama mo ba si Angelo?"
"Ako lang, Anthony. Dadaanan ako ng asawa ko mamayang seven. Nag- shopping kasi ako ng mga gamit ng baby." Sinulyapan nito ang babae.
"My sister in-law, Yvette. Wilna si Yvette."
Tumango lang si Wilna. Ngumiti sa kanya ang babae na nakapulupot ang braso kay Anthony.
"So this is you're twin's wife. They just married recentl, dba darling?" Tumingala ito kay Anthony flashing a provocative smile.
"Ano kaya ang itsura ko, darling, kung ipagbubuntis ko Ang anak mo?"
Isang ngiti lang ang isinagot ni Anthony na hindi maintindihan kung bakit napasulyap Kay Ericka sa pagkakataong iyon. Walang ekspresyon sa mukha ang dalaga.
Nilingon ni Wilna si Ericka. " Dito nga pala kami maghahapunan, Ericka. Tulungan mo akong magprepare ng lulutuin.
Nagbilin si Angelo ng pata tim."
"Thank you, sis, I will have a decent super afteral," sagot ng binata na amuse na sinulyapan si Ericka na umiwas ng tingin.
"Bakit, darling? Hindi ba marunong magluto ang maid mo?" si Yvette sabay tingin ng matalim Kay Ericka.
"Oh she's a housegirl, not a cook."
Kung nanunuya ang binata o nanunukaso ay hindi matiyak ni Ericka.
"That's ridicuos! May katulong bang namimili ng trabaho?
At kung ganyang hindi ka makakakain ng disenteng pagkain bakit hindi nalang tayo magtared ng helper. You ca have our, maid. Masipag nang magtrabaho ay mahusay pang cook," suhestiyon nito.
Napanganga si Ericka na hindi makapaniwala sa narinig. Mabilis siyang tumalikod upang bumalik sa kusina nang tawagin siya ni Yvette.
"Hey, you! huwag ka munang tumalikod." napahinto si Ericka.
Muling tumingala kay Anthony si Yvette. "Oh, ano payag ka ba?"
Bago pa nakasagot si Anthony ay nagsalita na ang dalaga.
"Salamat sa magandang alok, Miss Andrada," nanunuya ang tinig niya na binigyang-diin ang magandang alok'.
"Pero hindi si sir Anthony ang magpapasya ng sinasabi mo, kundi ako.
At ayoko sayo." Pagkasabi noo'y binilisan ang hakbay papasok sa kusina.
Napatanga si Yvette na napahiya. ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita. "Katulong ba iyon, Anthony?
Saang ahensiya galing ang babaeng iyon? Bakit ganoon kaarogante kung sumagot?" Naghihinalang tinitigan nito si Anthony. "May dapat ba siyang ipagmalaki, ha?"
"Oh, c'mon, Yvette, sinagot ka lang noong tao.
Siya nga naman ang may katawan."
"Anthony, hiniya niya ako. Sa pool at dito. And I cannot believe you tolerated her! Katulong lang siya!" angil ng dalaga.
"Alright, pagsasabihan ko siya mamaya." Bumuntong-hininga ang binata.
"Do it now, Anthony. Hiniya niya ako sa harap mo. Pagsabihan mo siya sa harap ko. Ngayon!"
Nagkatitigan sina Anthony at Wilna. Tila humihingi ng opinyon sa hipag ang binata. Kung bakit kailangang gawin nito ay hindi maintindihan ni Anthony.
Blangko ang ekspresyon ni Wilna.
"Wait here," sa bandang huli'y sinabi nito.
Pagkatapos ay sinundan si Ericka.
Naglalabas ang dalaga ng maaaring lutuin sa ref.
"Ericka..."
"Sir?" Tumuwid sa pagkakatayo ang dalaga.
"Lumabas ka roon at humingi ka ng dispensa kay Yvette," utos nito.
"Bakit ko gagawin iyon?"
"Alam mo kung bakit . Tama siya. Hindi ka kumikilos sa harap niya na katulong sa bahay na ito.
Oh, well, sa amin ni Angelo at Nana Inez ay behave ka. And Wilna seemed to be so friendly with you. Pero hindi ka dapat nagpapakita ng kagaspangan sa harap ni Yvette," sermon ng binata na tila siya batang musmos.
"Sinasagot ko lamang siya sa paraang kung paano siya nakikipag-usap sa akin," katwiran niya.
"Bisita ko siya, Ericka. Huwag na nating pahabain ang usapang ito. Lumabas ka roon at humingi ng dispensa."
"Ayoko," matigas na sagot ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Anthony. "Inuutusan kitang humingi ng dispensa kay Yvette!" matigas nitong sinabi.
"Kung hindi ko gagawin...?"
"You will find yourself without a job dahil ako na ang hinahamon mo."
"Wala akong pa...." pakialam kahit mawalan ako ng trabaho! ang gusto niyang isagot but stopped hersel. Hindi niya gustong umalis sa bahay na ito.
Hindi sa anupamang dahilan. Hindi niya gustong mawalay sa paningin niya si Anthony.
Kahit ba nangangahulugan ito ng pagpapakumbaba niya sa ibang tao? Minsan man ay hindi niya nagawa iyon. Imagine Ericka Alonzo humbling herself to a very disgusting woman!
"Now, Ericka."
Walang kibong nagpatiuna siyang lumakad kasunod ang binata. Huminto siya sa harap ni Yvette at tumingin dito ng diretso.
"Humihingi ako ng paumanhin," aniya sa pinakamalamig na tono.
Napataas ang mga kilay ni Yvette.
"You don't even look ang sound like it! Surely you can do better than that."
Tumayo si Wilna. "I wonder why we have to make an issue out of this nonesense." Hinawakan sa braso si Ericka at hinila pabalik sa kusina. "Come, Ericka, umpisahan na nating ihanda ang mga lulutuin."
Taas ang noo na sumunod ang dalaga. Bahagyang nilingon ang dalawa sa pagpupuyos ng loob ni Yvette. Ikiniling niyang bahagya ang ulo niya ang smiled sweetly to Anthony.
Hindi malaman ni Anthony kung maiirita o matatawa sa dalaga. The little thing is something.
Hindi niya malaman kung saan kumuha ng ganoong attitude si Ericka. Kung mayabang lang sana at abusadong katulong ito. Pero hindi nga ganoon. The witch is acting naturally na parang kasama sa karakter nito iyon. Napagmasdan niya ang pagtataas nito ng ulo, ang mga tingin, ang pagkilos. Lord, the woman has finesse!
"Huwag mong pansinin ang bisita ni Anthony. May palagay akong nai-insecured lang iyon," si Wilna nang nasa kusina na sila.
"At bakit?" patay-malisyang tanong.
"Mas maganda at bata ka kaysa sa kanya dadalawa lang kayo ni Anthony. At alam nitong pilyo sa tsiks ang bayaw ko."
"Huwag mong sabihin sa aking pinapatulan ni Sir Anthony ang mga maid niya?" natatawang biro niya.
Hindi sumagot si Wilna, tinitigan siya nang husto. "Sino ka ba talaga, Ericka? Kahit na ano ang sabihin at gawin mo ay hindi ka mukhang katulong. You are so poised and speak well."
Napahinto sa ginagawa niya ang dalaga. Wilna is such a friend. Hindi ito nag-alinlangang kaibiganin siya kahit na katulong ang pagkakakilala nito sa kanya. Hindi niya gustong magsinungaling dito.
Nang hindi siya agad sumagot ay nagpatuloy ito.
"Marami na rin naman akong nakatagpong katulong na may hitsura pero iba ka. You have a very cultured voice. Totoong naka-maids uniform ka pero hindi itinatago niyan ang paraan mo ng pagkilos. At isa pa, bakit ganoon na lang lagi ang pag-aalala ni Nana Inez sa iyo?"
"Ganoon ba ang dating ko?" pangiti niyang sinabi. Hindi pa rin mapagpasyahan kung magsasabi ng totoo.
"I can keep a secret, Ericka," patuloy ni Wilna.
Naupo siya sa mesa. Eh ano kung malaman ni Wilna ang totoo? Siguro naman pabor sa kanya iyon. Hindi na siya magkukunwari dito. Talaga bang ipinagkakanulo siya ng sarili? Huminga siya ng malalim at nagsimulang magkuwento.
"I can't believe it! At nagawa mong pumasok na katulong?"
"Ewan ko ba. Noong unang araw na nandito ako ay tinanong ko si Andoy kung nasaan si Nana Inez. Nasa tagaytay daw ang sagot nito. Aalis na sana talaga ako at babalik na lang sa hotel pero nasulyapan ko sa pool si Anthony."
Natawa si Wilna. " The usual thing. You were drawn by his magnetic charm just like all the girls." Natawa narin siya
"So I grabbed the wanted house maid' sign at muling nag-doorbell. And I cannot back out dahil si Anthony mismo ang kumausap sakin."
"And how are you coping with Anthony bilang housemaid?" natatawa pa ring tanong ni Wilna.
Ikinuwento ng dalaga ang pangyayaring nagluto siya ng almusal nito at ang pagkalimot niya sa pagliligpit ng kuwarto ng binata. Missing the bathroom scene.
"Was he angry?" amused na wika ni Wilna.
"Angry? Para mo na ring tinanong kung marunong maglaro ng basketball si Robert Jaworski." Pagkatapos ay seryosong tinitigan si Wilna. "I really like you, Wil. You've been treating me like a real friend kaya sinabi ko sa iyo ito. At least, sa iyo ay hindi ko kailangang magkunwari at kay Nana Inez."