"your secret safe with us, kahit kay Angelo."
"Alam mo bang bilib ako sa iyo? Hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo. You're so nice and sweet.
I do not treat my maid's tulad ng trato mo sa akin."
"Mahirap lang ako, Ericka. Palaki ng tiyahin."
"Mayaman ka na ngayon bilang asawa ni Angelo Avila. But you haven't changed a bit. Still a sweet as ever. I can never be like you. Sa bahay at sa opisina, I dominated everybody. Isang salita ko lang ay nagmamadali nang sumunod ang mga tauhan ko.
Samantalang ikaw ay napaka-submissive. And Angelo is so bossy, seryoso at pormal."
"The exact opposite of Anthony na happy-going. Despite the macho image ay boyish with his charming smile. Beware, Ericka. Anthony's smile is very lethal," birong-totoo ang sinabi nito.
"Hindi siya papatol sa katulong niya..."
"Kung sabagay, Iyon ang pinaka-kalasag mo sa charm nito. But who knows? Kung sa akin nga ay hindi mo naitago ang sarili mo, Kay Anthony pa?
Maliban pa sa aminin mo man, o hindi, hindi ka mukhang maid. With a pretty face like yours, a flawless skin and a nice pair of legs, bulag lang ang hindi makakapuna kung hindi pa nga napapansin ni Anthony iyan."
Nagkibit siya ng balikat. Napupuna nga kaya ng binata iyon? Paano niya ipaliliwanag sa sarili ang nangyari sa banyo? Bagaman walang nangyari ay may nararamdaman siyang tensiyon.
Nararamdaman niyang gusto siyang hagkan ng binata sa mga sandaling iyon and fought very hard not to.
"Paano nga pala ang ginagawa mo sa mabibigat na labahin tulad ng mga bed covers and bed sheets? Ang pamamalantsa ng mga iyon? si Wilna uli.
"Ipinadadala ko sa laundry tuwing day of ni Andoy at pinagbilinan ko sa laundry na ipadeliver uli sa ganoon ding araw."
"Oh, dear! Why do you have to do this?
Pinahihirapan mo ang sarili mo. Resign from this job and come with us to Tagaytay bilang guest. We love to have you there for as long as you want," alok ni Wilna.
"Thank you, Wil. But I enjoyed what I am doing. Pag-uwi ko sa amin, I will be more considerate sa mga nagtatrabaho sa akin."
"Gustong itanong ni Wilna na iyon nga lang ba talaga ang dahilan pero minabuting hindi na. "Bukas ang bahay naming mag-asawa pag nagbago ka ng isip, Ericka."
"I'll keep that in mind."
Sabay na napalingon sa labas ang dalawa nang marinig ang kotse ni Anthony na lumalabas ng gate.
Pagkatapos ay ang pagsasara ni Andoy ng gate.
"Baka inihatid si Yvette," ani Wilna. "Nasulyapan ko kaninang lumabas ng guestroom na bihis na. Poor Yvette. Here today and gone tomorrow. Another of Anthony's collection."
Hindi nito napuna ang ekspresyon sa mukha ni Ericka dahil tumayo na.
"Ilagay nating lahat ang mga karneng ito sa slow cooker. Pag lumambot na, saka natin ilagay ang mga rekado. Pagkatapos ay tayo naman ang umokupa ng swimming pool."
"Naku, ikaw nalang at baka agad ding bumalik si Anthony," tanggi niya bagaman naroon ang excitement na makapag swimming. Matagal na niyang hindi nagagawa iyon.
"Naku, hindi. Magtatagal iyon sa bahay ni Yvette. Halika na. May mga gamit pa ako sa itaas, di ba?
Sadyang iniwan ko ang mga iyon para nga pag narito kami ni Angelo ay hindi na kailangang magbitbit pa mula Tagaytay."
Napilitan siyang sumunod dito papanhik sa dating silid ni Angelo. Binuksan ang drawer at kumuha roon ng dalawang swimsuits. Inihagis nito sa kanya ang kulay puting bikini.
"Bagay sa iyo iyan. Ma-i-emphasize niyan ang morena mong balat. I'll take this one piece. Medyo halata na ang tiyan ko, eh."
"Princess Diana did wear a bikini kahit malaki na ang tiyan nito," ani Ericka na hinubad ang maid's uniform.
"Si Diana iyon."Naghubad na rin ito ng damit at isinuot ang bathing suit. Pagkatapos ay sinulyapan si Ericka. "You're gorgeous!"
"Wala akong sinabi kumpara kay Yvette," sagot niya na sinipat ang sarili sa salamin. She like what she saw ang smiled.
"She's voluptous, if you like the type.
Outrageously flaunting her big boobs. While you're very sexy ang seductive without trying," sinserong puri nito.
"Why thank you!" natatawang sagot ni Ericka.
"Halika na nga." Nagpatiunang bumaba si Wilna.
Tuwang tuwa sa pagsu-swimming ang dalawa. Inutusan ni Wilna si Andoy na dalhan sila ng juice and a cake slice. Si Wilna ay hindi gaanong nagpagod at umahon din kaagad habang pabalik-balik siya sa paglalangoy.
"I really missed this, Wilna. Ilang buwan ding hindi ako nakakapag-swimming."
Umahon siya at naupo sa silyang bakal. Uminom ng juice at sinimulang kainin ang cake sa platito.
" Samantalahin mo habang hindi pa dumarating ang Sir Anthony mo," biro ni Wilna. Subalit hindi pa nito halos natapos ang sasabihin ay narinig na nila ang busina ng kotse.
"Si Anthony!" si Ericka na kinabahan. Ibinaba ang tinidor sa platito.
"Too late para umiwas. Ako ang bahalang magpaliwanag."
Natanaw ni Anthony ang dalawa pagpasok ng kotse nito sa garahe. Lumabas ito ng kotse at lumakad patungo sa pool.
Angel: Oops cut muna, short update muna tayo today..by the way don't forget to react and pafollow na rin guys, para mas ganahan pod ku mag update thank you God bless