“Ah, oo naman! May mga bagay na maiintindihan natin at mare-realize pagdating ng panahon. Kaya p’wede ring magbago ang mga desisyon natin, ‘di ba VJ?” Sa lahat ba naman ng mapagtatanungan bakit siya na naman? Tumawa muna si VJ bago sumagot. “Right!” Lahat sila ay may kan’ya-kan’yang double meaning sa mga sinabi ni Lance. Si Olivia pa kaya na target nito? Ang sarap talagang kutusan ni Lance. Kung sila lang dalawa at walang camera ay baka nasipa niya na ito. Hintay lang at magkakaroon din siya ng pagkakataon para makabawi dito. “Kaya kayong mga babae, doble ingat. Huwag tanggap nang tanggap,” pangaral ni Gerald. “We learned it the hard way. Mabuti na lang walang naiisip na gano’n ang fans ko. Anyway, gusto mo bang sa’yo na lang ‘tong bag, Olivia? Marami pa naman ako, eh. Magagamit ito p

