Pumasok ng kwarto si Lance at nakita si Olivia na nakahiga sa kama habang nakaharap ang likod nito sa kan’ya. Dahan-dahan s’yang lumapit at umupo sa tabi nito. “Tulog ka na ba, Olivia?” mahina n’yang tanong at tumingin dito. Huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit. “Galit ka ba dahil sa sinabi ko kanina? Pasensya na kung sumama ang loob mo. Para kasing pinagtutulungan ka ng dalawa at ‘di mo maipagtanggol ang sarili mo. Sa susunod ‘di na ako mangingialam.” “Hindi naman ‘yon, eh.” Umupo sa kama si Olivia at tumingin dito. Nagkatitigan silang dalawa. “Baka dahil sa pagtanggol mo sa’kin ikaw ang pagbalingan ng fans ng dalawa.” Isabay pa ang fans ni Joshua na nagtanggol sa dalawa. “Ano naman?” walang pakialam na sagot ni Lance. “As long as ‘di ka galit sa’kin wala akong pakialam sa iba.”

