Dumating na naman ang Sabado at ngayon ay lahat ng artista sa Cupid’s Carnival ay sinundo ng kanilang manager. Siguradong may nag-hihintay na project sa mga ito o kaya may dalang ibang good news base sa mga ekspresyon ng mukha nito. Hindi mabura ang ngiti at kulang na lang ay mawala ang mata sa tuwa maliban nga lang kay Macy. “Ano’ng problema, Ate Macy? Hindi ba naging maganda ang feedback ng Glowy? Naisipan ba nilang i-terminate ang kontrata ko?” nag-aalalang tanong ni Olivia nang makapasok sila sa van. “Ah? Hindi! Sa katunayan ay maganda ang naging kinalabasan ng endorsement mo. Nag-agawan pa nga sa raffle ang fans mo na dinagdagan pa ng Glowy dahil sa demand. Sa tingin ko ay umabot iyon ng isang daan para sa isang meet and greet with fans. Tumawag nga sa akin ang representative ng Glo

