Kabanata 39: Win or Lose

1263 Words

[Paalala. May dalawang minuto na lang kayo para tapusin ang laro.] Napakagat sa labi si Olivia. Dalawang minuto para sa isang baraha na lang. Tiningnan niya si Andrei na nilagay ang baraha sa bibig. Nang tumalikod ito ay nahulog ang baraha sa bibig niya at sinalo niya pa ito ng kamay. Napamura ito at inulit ang ginagawa bago nito naipasa kay Lance. Humarap sa kan’ya ang binata at napahinga siya ng malalim bago nito nilapit ang labi. Hinawakan niya ang balikat nito at ‘di wari na nakatitig ang mata ni Lance sa mga mata niya Dahil naka-pokus lang siya sa baraha na mailapt sa labi niya nang hindi nahuhulog. Dinamba siya ng kaba nang maipasa sa kan’ya ito. Dahan-dahan s’yang tumalikod para kay Claudia na nakaabang na sa likod niya. Pinasa niya ito na agad naman nakuha ng naturan. Napakuyom

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD