Pumwesto na ang mga kalahok base sa sinabing linya ni Lance. Tumingin sila sa malaking screen at nang magsimula ang countdown ng oras ay agad na kumilos si Andrei. Kinuha nito ang baraha at nilagay sa bibig bago bumaling kay Lance habang nasa likod ang dalawang kamay. Nang maipasa kay Lance ay ito naman ang nagdala ng baraha para ipasa kay Olivia. Pagharap niya sa dalaga at kita niya itong malagkit na nakatitig sa baraha at kulang na lang ay matawa siya sa itsura nito. Sigurado siya na ang iniisip nito ay siya ang may mababang boto. Tinanguan niya ito at dahan-dahang pinasa ang baraha sa mapulang labi nito. Gusto sana sabihin ni Lance na ‘wag itong kabahan dahil halata sa nanginginig na kamay nito kaya wala s’yang choice kung ‘di hawakan ito at dahan-dahang ibinaba ang mukha para ibigay

