Tahimik ang buong kalahok sa palabas sa nangyaring pag-alis ni Bea. Inaasahan na nilang may maaalis, pero hind isa ganitong paraan at sitwasyon kung saan lahat sila ay may ‘di pagkakaintindihan. Hindi na nga sila kinausap ni Bea kanina maging sa paglabas nito. Napatingin si Olivia sa mga kasamahan niya na may kan’ya-kan’yang ginagawa. Si Claudia at Julie ay naghuhugas sa kusina, si VJ ay nilalaro ang stress ball na nakuha nito sa gilid, si Gerald naman ay nagbabasa ng magazine, si Nadine at Joshua ay naglalaro ng chess habang si Lance naman ay nakasandal sa balikat niya habang minamasahe ang kan’yang palad. “Iniisip mo pa rin ba na kasalanan mo ang nangyari? Maganda ng ana napaalis na siya rito dahil kahit hindi mangyari ‘yon ngayon sarili niya pa rin ang magdadala sa kan’ya sa kapahamaka

