Kabanata 36: Eliminated (2)

1351 Words

Tumahimik ang mga ito lalo na si Bea na napakagat pa sa ibabang bahagi ng kan’yang labi. Namumula ang mata nito at tila babagsak na ang mga luha sa gilid ng mat anito. Para ‘tong nakakaawa sa itsura na talaga namang nakakadala kapag nakita ng manonood. “Wala akong galit kay Olivia, minsan naiinis ako— alam niyo naman siguro ‘yong feeling na gano’n lalo na kung hindi mo gusto ang ginagawa nila, ‘di ba?” pag-amin ni Nadine sabay buntong hininga pagkatapos. “Wala naman akong hinanakit kay Olivia. Mabait naman siya sa totoo lang,” komento naman ni Andrei. “Ako rin.” “She’s good.” Sunod-sunod na wika ni VJ at Geralad bago napunta ang tingin nila kay Joshua. “May mga oras na naiinis rin ako sa kan’ya, pero imbes na magsalita ay pinili ko na lang na tumahimik. Bakit ko pa papalakihin iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD