Pagpasok ni Lance muli sa kwarto ay pansin niya ang pasulyap-sulyap ni Olivia sa gawi niya. Napapatanong siya sa sarili kung ano ba ang iniisip nito o sadyang naga-gwapuhan ito sa kan’ya at tumatalab na iyon. Kunwaring ‘di niya ito napansin at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Napakagat sa loob ng pisngi si Olivia dahil doon. Mukhang nagtampo nga ito dahil sa ugali niya kanina. Hindi niya gusto ang pakiramdam na hindi siya nito pinapansin. Kasalanan niya kasi. “Lance,” tawag niya nang mahina. Tumuloy lang sa paghahanap ng kung ano ang binata sa cabinet nito. Tumikhim si Olivia at tinawag ito s amalakas na boses. “Lance!” Hindi siya nabigo at nakuha nga ang atensyon nito. Tumingin ito sa kan’ya kagaya ng nakagawian na may pagkaseryoso. “Ano ba ‘yon? May kailangan ka? Masakit pa?” sunod-sun

