“Nasaan ang medic?!” “Oh my gosh. Olivia…” Agad na nakarating si Lance sa tabi ng dalaga. Naabutan niya itong nakapikit at parang may iniinda. Of course, 5 ft ba naman ang pinagbagsakan nito mula sa tulay. “Olivia, saan ang masakit?” tanong niya rito. “Don’t touch her! Baka may bali siya. Hintayin natin ang medic,” paalala ni Matteo nang makarating sa kinaroroonan ng mga ito. “Don’t crowd her, bumalik na kayo sa trabaho. Gusto kong iharap sa akin ang mga na-assign na mag-ayos ng tulay.” Nag-senyas ang assistant producer na i-cut na muna ang film maliban sa dalawang camera man na kailangan i-film ang nangyayari. Binawi agad ni Lance ang kamay niya sa braso ni Olivia. Ilang segundo lang ay dumating na ang medic at nilipat ang dalaga sa stretcher saka dinala sa hospital para suriin ang k

