Dumating ang hapon at doon lang nagising si Olivia. Hindi niya maigalaw ang isang kamay kaya napatingin siya doon. Oo nga pala… nahulog siya sa lubid na tuloy. Napa-aray siya nang galawin niya ito ng kaunti. Dinala siya siguro ng production crew sa hospital. Hindi niya inaasahan ang pagbagsak niya, akala niya makakahawak siya sa lubid bilang suporta, pero dahil nag-panic siya ay hindi niya nagawa. Siguradong nag-alala ang mga kasama niya at natalo sila sa laro. Nasaan kaya ang manager niya? Siguradong nagmadali iyon magpunta rito nang malaman ang kinahinatnan niya. Bumukas ang pinto at alam n’yang ang manager niya iyon. Nagugutom na siya. “Lance?” Tumaas ang kilay ng binata at sinara ang pinto gamit ang paa nito. Ibinaba nito ang isang plastic ng pagkain sa mesa bago kinuha sa loob.

