Kagaya ng ng sabi ng doktor ay nakalabas na agad ng hospital si Olivia. Nang gabi ring ‘yon ay pinalabas ang nangyari sa kan’ya kaya naman bumuhos ang regalo sa sasakyan ng dalaga padala ng kan’yang mga fans. Hindi kasi p’wede sa hospital dalhin kaya natambak sa van na kailangan pa ng isang van sa dami n’yon. Halos lahat ay mga brand ng damit at jewelry. Napangiti na lang si Olivia dahil kung noon mabibilang lang sa kamay ang mga natatanggap niya, pero ngayon ay lagpas na ata sa bente ang mga ito. Bumalik na rin siya sa set ng production dahil ayaw n’yang ma-delay pa ito at mag-cause pa ng problema, pero hindi pa p’wedeng alisin ang cast sa kamay niya dahil sa bali. Ang sabi ng doktor maaring 2 to 3 weeks ang itatagal nito since hindi naman malala. “Are you okay now? I was worried to de

