Siraulo ka na, Emma Rose! Wala na! Game over na! Paulit-ulit na sabi ng utak ni Emma Rose habang binabagtas niya ang maliit na daanan sa pagitan ng mga bench ng mga audience. She has to make it to her seat bago magsimula ang laro. She’s been to the games of FA Builders quite a lot before at alam niyang once magsimula ang laro ay hindi mapipirmi ang mga tao sa kanilang mga upuan. They will go crazy and scream for their team. Parang may kilala akong ganyan. Ang name niya ay may initials na E at R. She shook her head. Nandito na siya. Wala nang balikan to. Nakabili na ng ticket at pinag-extend na niya ang oras ng babysitter para lang makapunta sa laro. Oh c’mon, Emma Rose! Why are you doing this? Bakit nga ba? Hindi ba’t isang kahangalan ang magpunta pa siya roon. She promised herself

