“Ma’am Emma Rose, eto na po list ng inventory natin sa mga supplies.” Napalingon si Emma Rose sa pinto ng kanyang opisina at nakita si Teresa. Isa ito sa mga staff ng clinic na pinamamahalaan niya. May hawak itong papel na agad namang inabot sa kanya. She skimmed through the pages and thanked the nurse. Sa loob ng isang taon ay naging maayos ang takbo ng branch na iyon nila sa San Victor City. Hindi mawawala ang iba’t ibang challenges pero dahil na rin sa pagsisikap niya ay nagawa nilang lampas an ang mga iyon. And she couldn’t even be any prouder. Ginawa kasi niya ang lahat ng iyon while being pregnant. Akala talaga niya ay hindi niya kakayanin. Mahirap maging malayo sa mga taong sumusuporta sa kanya. Ang mga kaibigan ay minsan lang bumisita sa kanya dahil sa layo ng lugar na nilipata

