“Are you sure na magkaibigan lang talaga kayong dalawa ni Matthias, ate?” Halos mabingi na si Emma Rose sa kakatanong ni Allysa. Kasalukuyan siya nitong hinahatid sa boutique ni Bettie upang sukatan ng damit para sa party ng FA Builders. Kung hindi lang niya pinapaayos ang sasakyan ay hindi na talaga siya magpapahatid sa kapatid. Kaya naman heto siya at dinaranas ang panggigisa nito. “Magkaibigan nga lang kami, Allysa. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo?” paliwanag niya sa kapatid. Pero imbes na sumang-ayon ay nagkibit balikat ito. “I saw you two. May spark kayo ate.” “Spark? Naku! Imagination mo lang ‘yon. Writer ka kasi,” pagtututol niya sa sinabi nito. Umiling si Allysa. “Hindi ate. Kitang-kita ko. May something sa inyong dalawa.” Napabuntong hininga si Emma Rose. Ayaw na ayaw na

