Halos mapatakbo si Emma Rose sa comfort room ng venue. Pakiramdam niya ay naninikip ang kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala na sa lugar na iyon pa niya makikitang muli ang taong kinamuhian niya nang buong buhay. Naalala ni Emma Rose ang araw na iniwan sila ng kanyang ama. Siya lang yata sa lahat ng magkakapatid ang may isip na noon. Nag-aaway ang kanyang mga magulang tulad ng dati. Dapat ay sanay na siya pero nang lumabas ng silid ang kanyang ama ay may bitbit na itong bag na sa tingin niya ay puno ng damit. Tumakbo si Emma Rose papunta sa kanyang ama upang pigilan itong umalis. Nagmakaawa siya. Halos maubos ang kanyang mga luha sa kakaiyak. Pero imbes na pagbigyan siya sa kanyang hiling ay niyakap lang siya nito bago sumakay sa motorsiklo at humarurot palayo. Ilang araw na naghinta

