Chapter 39: One For The Road

1514 Words

Naalimpungatan si Emma Rose sa mga kaluskos sa kusina. Idagdag pa ang bango ng nilulutong pagkain na siyang nagpagising sa kanyang diwa. Oh how she loves food. Siguro dahil sa mga panahon na wala silang makain noon ay bumabawi siya. Naaalala pa niya kung paano tipirin ang sarili para lang makapag-ipon at maipadala sa kolehiyo ang mga kapatid. Nagda-drama ka na naman, Emma Rose! Ang aga-aga! Huminga siya nang malalim at saka umupo sa kama. Doon na niya na napansin na wala si Matthias. Iniisip kasi niya na ang katiwa ang nagluluto. Hindi kaya ang kanyang kaulayaw kagabi ang nasa kusina ngayon at nagpapamalas na naman ng talent sa pagluluto? Agad siyang napatayo at lumabas ng pinto. At hindi nga siya nagkakamali. Same view. Same hotness! Kahit sa umaga ay ganoon pa rin kagwapo ang dating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD