They stayed for one more day bago bumalik sa realidad. Pero masaya si Emma Rose. Ang daming nabuksang damdamin para sa kanya sa maiksing bakasyon na iyon. Hindi niya inakala na magkakaroon pa siya ng isa pang pagkakataon ni Matthias. Ito na mismo ang humingi sa kanya na huwag siya nitong iwan. And she will do as he says dahil mahal niya. At naniniwala siyang may pag-asa pa para sa kanila. Sa harap ng condo niya siya binaba ni Matthias. “Are you sure hindi mo na ako iimbatahin sa bahay mo?” tanong ng lalaki sa kanya. Agad niya itong hinampas sa braso. “Hoy! Nakakarami ka na ha. Pagpahingahin mo ko.” Napatawa si Matthias nang marinig ang sinabi niya. Siya man din ay hindi rin napigil ang pagtawa. “I’m just kidding, Emma Rose. Get some sleep, okay? Kumain ka rin nang mabuti. Baka hindi k

