Hindi alam ni Emma Rose kung may nakain ba siyang hindi maganda kagabi o dahil sa komprontasyon nila ni Mia kaya sumama ang pakiramdam niya. Pero ano pa nga ba? Kahit ganoon ay kailangan niyang sumipot sa trabaho at baka pumangit ang record niya sa doktor na boss. Pinagkakatiwalaan siya nito. Ayaw niyang masira iyon. If there’s one thing na alam niyang kaya niyang alagaan ay iyon ang trabaho niya. Looking at her family now. Magulo ito. Hindi niya alam ang direksyon. Napabuntong hininga nalang siya nang maalala ang nangyari kagabi. Kung pwede lang talaga siyang mag-time travel pabalik ay gagawin niya. She doesn’t want anything to do with her father and Mia. Hindi na siya dapat pang sumama sa dinner. Tuloy ay nalaman na ng kapatid sa labas ang pinakatagu-tago niya. Paano kung isusumbong k

