Shallow Lumipas ang mga araw na nanatili ako sa bahay. Wala akong ibang pinagsabihan maliban kay Sam ang tungkol sa nasaksihan ko, maging ang pinakamalapit kong kaibigan na si Ada ay nanatiling walang alam. Wala 'ring gabing hindi nahuli sa pag-uwi si Yulo. He's always been late since that fateful day happened. Walang kumprontasyon. Walang away. At walang sumbatang naganap sa pagitan namin. Everything seemed normal and ordinary. For Yulo, it is. But for me, everyday is a struggle. Mahirap huminga lalo na kung alam mong anumang oras ay bubulusok ka sa galit. Mahirap tantiyahin pero habang nagtatagal ako sa piling niya ay mas lalong nagiging impyerno ang pakiramdam ko. I smile at him often times but in my head I curse him to death. Gusto kong mawalan ng pake at magpanggap na wala lang an

