Hindi siya... Inabot ako ng kalagitnaan ng gabi sa pag-iisip mula ng umalis sa pamamahay namin si Yulo. Hinahalukay ng kung anu-anong bagay ang kunsensiya ko. Naging palaisipan kasi ang lahat sa akin matapos ang kumprontasyon naming mag-asawa, unti-unti ay nabubura ang aking kuro-kuro tungkol sakanila ni Alice. Kumbaga ay nag back to zero ang lahat ng assertions ko. Nawala ang grounds at nagmistulang void ang lahat ng rason ko. Nalilito talaga ako. Pero hindi ko naman makuhang magtiwala agad sa mga sinasabi niya. Nahahati ang aking puso't isipan. Hindi ko na bigla makilatis ang aking mga dahilan. Naguguluhan parin talaga ako sa kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng nararamdaman kong ito. Kadalasan kasi ay tama ang instinct na dumadapo sa aking isipan ngunit agad din naman itong napapa

