BASHA "Basha!!!" Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang pagtawag ni Dan, ngunit hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman kung bakit niya ako hinahanap. Nanatiling nasa papalubog na araw ang mga mata ko. "Basha, totoo ba? totoo bang sasama ka na kay Mr. Demiere sa Japan? Bakit ka aalis? Paano kung bumalik si Thadd--" May lungkot ang mga matang tumingin ako sa kanya at mapait akong ngumiti. "Bumalik? Isang buwan na mula nang mawala si Thadd, Dan. Isang buwan na akong gumigising sa araw-araw na umaasang babalik siya. Babalik siya dahil kailangan ko siya. Kailangan siya ng anak namin. Ngunit kahit man lang sa panaginip ni anino ni Thadd hindi ko nakita. Ginawa na ni lolo ang lahat ng paraan para mahanap siya pero wala na...wala nang pag-asa na mahanap pa kahit ang b4ngkay niya..

