THADDEUS Mabigat ang katawan na nagmulat ako ng mga mata. Inilibot ko ang aking paningin at puting kisame na may chandelier ang bumungad sa akin. Marami ding aparato ang nakakabit sa akin. "Thadd? Gising ka na! Sandale tatawagan si Mr. Demiere!" Napatingin ako sa lalaking tarantang pumipindot sa cellphone na hawak niya. Gusto kong magsalita ngunit hinang-hina ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga sa kama ko. "W-what happen? Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? At sino ka?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ako naalala? Ako ito! Si Dan! Ako ang nag-alaga sa'yo!" tarantang sagot niya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang naiiyak na dalawang matanda. "Apo ko! Mabuti naman at gumising ka na!" Malakas siyang humikbi na parang nabuhayan siya ng loob nang

